Wala Lang
Matapos ang matagal na pagiisip at deliberasyon, naisipan ko na rin makisali at makilahok sa kakaibang paraan ng pagbubunyag. Ako na rin ay bahagi ng tinatawag na blog phenomenon. Pilit kong tinatanong ang aking sarili noon kung bakit ko nga ba biglaang naisipang gumawa ng sarili kong blog. Kasi yun yung uso?, marami na sa kaibigan ko ang meron?, cute? hehehe...etc. Ngunit nagawi din sa madalas kong kasagutan...WALA LANG. hahaha Ngunit hindi lang yata yun ang dahilan. Makakapagsulat nga ba ako ng ganito kadalas kung meron na akong ginagawa? Tingin ko hindi. Pinakikita lang na wala pa talaga akong magawa sa ngayon. BUM ako sa ngayon at hindi ko alam kung matutuwa ako. Naalala ko tuloy ang aking mga kaibigan na madalas namumrublema kung ano na ang kanilang gagawin at saan kaya sila mamamasukan. Mga tanong tulad ng "makakuha kaya ako agad ng trabaho?", at maging masaya kaya ako?" ang bumabalot sa kanilang mga isipan. Samantalang ako eto, pagkagising sa umaga, naiipit pa rin sa katanungang..."anong oras na?", ano ulam?. hay buhay sadyang ganyan ewan ko ba kung bakit. sana sa susunod na paggising ko ay halintulad na sa mga tanong ng aking mga kaibigan ang unang pumasok sa aking isipan.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home