subok lang..

Thursday, May 05, 2005

Chinese for a Day

hindi ko akalain na magiging chinese ako. lakas ko pa naman asarin si Mike Lim nung nasa highscool kami tungkol sa pagiging chinese nya. ayun, nakarama yata ako. hehe at naging hilig ko na rin ang chinese. la lang kasi kamakailan lang, pinapunta ako ng auntie ni avs sa kanila. para saan? la lang, curious daw kung sino ako. so ayun, akala ko simpleng dalaw lang, hi hellow, ako po si tristan carlos.....pogi. (joke) nagawa ko na to dati, madali lang to, naisip ko.
papunta palang kami ni avs sa kanila, may natanggap na siyang text na magpanggap daw muna akong chinese.hay, ang inaakala kong simpleng hi at hello biglang napalitan ng nerbios at pagaalinglangan. Ayun, tinext muna ni avs yung kapatid niya na salubunin muna kami para mapaipaliwanag niya ang sitwasyon.
Sinalubong niya kami sa pinto at ayun sinabi ang dapat gawin. ako naman ayun kinakabahan. ewan ko ba kung bakit. La lo akong kinabahan nang lumabas na ang auntie nya at sinabing kailangan nga muna akong magpanggap na chinese. mukha naman daw e. Teka bakit nga pala ako dapat magpanggap? kasi nandun yung isang lola na traditional. pero natanong ko agad na pano ko maging chinese, hindi naman ako marunong magsalita ng lengwhahe nila. meron pero kaunti lang. puro bastos at mura pa. malamang di ko pwedeng gamitin yun.
naisip ko lang.hindi nyo ba pansin na kapag may bisita na foreigner na nais matuto ng filipino, una niya agad natututunan yung mga bastos at mura na salita. la lang
Matapos ang mahabang balitaktakan at pagtatalo kung ano ang gagamitin kong apelyido nauwi din sa bahala na. akalain mo yun biglang iba na ang apelyido ko. hahaha papatayin ako ng mga ninuno ko kapag nalaman nila yun.
sa aking pagpasok, inisip ko agad ang mga sasabihin kung sakaling matanong ako. pero wala talaga ako maisip. basta sagot nalang ng sagot. magiimbento ng kwento kung saan ako galing. sabi ko, kung malusutan ko to, pwede na akong maging writer ng mga fictional stories.
matapos ang ilang minutong pagiisip, nakaharap ko din yung lola. magkaharap kami sa mahjong table. nagmahjong kami buong gabi kasama ang mga uncles ni avs. hay kakatakot, baka biglang magtanong. Sino ka? Ano apelyido mo? Ni haw ma? etc.. hay may thrill.
NAgtapos ang gabi ng hindi man lang ako nakausap nung tao. pinakilala lang ako. malamang binigay ko lang ang first binigay ko. hehehe hindi nanaman tinanong apelyido ko e. tinanong din ang kurso ko. tapos ayun suabe! focus na uli sa pagmamahjong ang lahat.
kakaibang karanasan. akalain ninyo yun. ano ba itong pinasok ko kong gulo. pero....... masasabi ko parin sa huli....ayshlang

1 Comments:

  • hehehe. funny experience nman yan. nanalo ka ba sa mahjong?

    By Blogger clatot, At 2:01 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



<< Home