subok lang..

Friday, March 16, 2007

Incorruptible

Nakakapagod sabay masaya din ang ginagawa kong trabaho ngayon. Dati rati, parati kong sinasabi sa sarili ko nang nagtratrabaho ako sa loob ng opisina na ayoko ng nakaupo lang at nakaharap sa computer. Buti sana kung pwede manood ng bold. Pero hindi e. Kaya ayun nangarap ako ng isang exciting na trabaho kung saan pwede ako lumabas. Sa kasalukuyan ko na trabaho natupad yun. Dito, para akong seaman. Larga ditto larga doon. Kung saan may subastahan, mapa Apari man o Jolo sugod ako.

Pero nasosobrahan din yata, kasi minsan pagod na ko at sukang suka na lumabas. Ngayon ako naman ang nagmamakaawang gumawa ng office work kung minsan. Pero sa ngayon, sanay na ako. Masaya na ang trabaho konting extra joss at redbull lang panalo na. Ano trabaho ko? Companion Animal Drug Pusher. Hawak ko ang government accounts kung kayat kung saan saang munisipyo ako napapapadpad. Maramirami narin akong nabisitang munisipyo at maraming beses narin akong nawala at nagmukhang turista. Pinaka bago na siguro yung nakatulog ako sa bus at inakalang nakalagpas na ako sa Lipa Batangas exit. Langhiya, nang magising ako, nasa highway na yung bus at wala akong nakikitang karatula na nadaanan na nagsasabing lipa batangas. Sabi ko nalang, baba nalang ako sa sunod na bayan at dun magtanong. 30mins na ang nakakalipas at tila di parin tumitigil ang bus. Kinabahan na ako at nagtanong nalang sa katabing lalaki. “Manong nadaanan naba ang Lipa?” Sabi nya. “ala e hindi pa. wag ka magalala magsasabi ang konduktor.” Buti Nalang!

Maganda ang Lipa. Malinis at tila Marikina din. Good job ate Vi! Naaliw din ako sa punto ng mga local dun. Kahit natanong ko na sa isang tao kung panu pumunta sa munisipyo patuloy parin ako nagtanong sa mga nakasalubong ko para lang mapakinggan ang batangenong punto. Aliw!

Balik sa trabaho. Ganito trabaho ko ngayon. Maraming beses na nagmumukha akong turista. Lalo na talga kapag malayuan nang probinsya nadadayo ko.. Basta sugod lang ng sugod.

Hindi lang magagandang lugar ang nakikita ko kundi ibat ibang uri ng tao. Masasabi kong baptism by fire ako sa trabaho na ito. Sugod agad. La man lang training, konting dos and donts lang. Isa akong taong lumaki sa isang relihiyosong eskwelahan sabay napangaralan ng maayos ng mga magulang. Naging idealist ako at some point. Pero sa trabaho ko ngayon, unti unti narin nasira ang mga imaheng nasa isip ko. Kung noon sa dyaryo o matanglawain (alam nila lahat ng mali sana magbigay din sila ng solusyon wag lang angal) ko lang nababasa ang mga nangyayaring kababalaghan sa ating sistema, ayun first hand experience talaga. Hindi nabubuo ang aking mga ideya sa mga nababasang mga pahayagan o opinion ng mga sinu sino dyan na maaraing korakot din. Eto talaga harapan.

Sa mga unang pagsabak ko dito sa trabaho, and dalas sumama ang loob ko at tila di kayang sikmurain ang mga nangyayari. Bakit may ganung tao? Puta! Kaya nga kada nalang pumapasok ako sa isang lugar, nandun parin ang nerbiyos ko na baka masakmal ng mga buwayang nagmamasid.

Naisip ko na wala pa pala sa kalingkingan ng stress na hinaharap ko mula sa mga kabulastugan ng mga tao sa sistema kumpara sa pisikal na pagbibiyahe. Nakakalungkot talga isipin. Ito ang realidad, sira ang magandang imahe ng mundo na nabuo sa eskwela.

Naalala ko yung sinabi sa akin ng isa kong kaibigan at nagging kaklase. Gusto nyang magtayo ng business para makatulong sa mga taong walang trabaho. Sabi nga nya. “pare iba yung feeling kapag alam mong nakakapagbigay ka ng hanap buhay sa mga nangangailangan.” Hanep! Gusto ko yung sinabi nya. Sana ganun magisip lahat ng tao. Ganun din naman ang gusto ko. Gusto ko makatulong at maisabuhay ang pagiging “man for others” na mahigit 15 taon na itinanim ng mga heswita sa aking isipan. Hindi naman sila nabigo base sa narinig ko sa aking kaibigan. Hindi rin sila siguro nabigo sa akin. Kasalanan nila kung bakit marunong akong humindi at di masikmura ang kamalian. Kagagawan ng mga mabutng pangaral yun. Napaligiran din ako ng mabubuting tao. (majority siguro)

Kung wala yung mga pangaral na yun, madali na sana laruin ang laro ng mga ungas na tao. Mayaman na sana ako ngayon. Sa kaso ko mahihirapan talga ako makisabay. Nalulungkot nga ako matapos kong maalala ang nasabi ko isang beses sa isa kong kaibigan. “pare ok yung mga prinsipyo pero kung patuloy kang kakapit dyan, kakainin ka ng buhay ng iba”. Parang hindi ko matanggap na nasabi ko iyon. Unti unti narin akong naiimpluwensyahan. Ika nga kapag nababad ka sa isang cultura, makakagawian mo rin yun.

Marami pala ako natutunan sa eskwelahan ng hindi ko namamalayan. Saksi na siguro dito yung mga ungas na nakakakuha ng sagot na “hindi” mula sa akin. Ngayon sa labas ng eskwela, sa totoong mundo lumilitaw ang mga natutunan ko. Kahit hindi sinalamin ng aking report card na meron akong natutunan, masasabi ko parin ng tahasan na MARAMI akong natutunan na mahalaga. Mas marami siguro dun sa mga de Honor at sinasabing matalino pero tahasan ang pangwawalanghiya sa kapwa. Marami ganyan sa mundo.

Kung meron man qualification para sa trabaho ko na kailangan kong iemphasize “INCORRUPTIBLE” sana lahat merong katangian na ganyan. Amen!

Paglalagom? La ako masabi e. tapusin ko nalang sa….

ayun

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



<< Home