Anong pumapasok sa isip?
nais ko lang ibahagi ang isang tula na aking nabasa nung ako'y nasa unang taon pa lang sa kolehiyo. basahin dahan dahan at hayaang maglaro ang isip hanggang sa makabuo ng malinaw na larawan. ayun...astig
PULOTGATA
Danton Remoto
Sa labas, dinidilaan
ng ulan ang mga puno.
Ang hangin ay bumubulong
Sa tainga ng mga dahon
Habang
nakaupo ka sa akin.
Ang pilik ng iyong mata'y
pumipikit, bumubukas.
Makintab ang pawis
sa paligid ng iyong labi.
Lampara
ang iyong mukha.
At ang iyong mga daliri'y
naglalakbay, pumapasok,
nawawala
sa mga ulan ng aking buhok.
PULOTGATA
Danton Remoto
Sa labas, dinidilaan
ng ulan ang mga puno.
Ang hangin ay bumubulong
Sa tainga ng mga dahon
Habang
nakaupo ka sa akin.
Ang pilik ng iyong mata'y
pumipikit, bumubukas.
Makintab ang pawis
sa paligid ng iyong labi.
Lampara
ang iyong mukha.
At ang iyong mga daliri'y
naglalakbay, pumapasok,
nawawala
sa mga ulan ng aking buhok.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home