subok lang..

Sunday, May 08, 2005

interbaranggay

dati pa ako nanonood ng interbarrangay. bata pa ako, nung di pa ako marunong magsuot ng brief. nung pormang bunot ang buhok ko. nung si ramos pa yata ang presidente, nung holen at bike pa ang buhay ko, nung....nung basta nung mga panahon na yun.
isang buwan na ang nakalilipas nang napadaan ako sa "tambay kay lim" isang basketball court sa tabi ng munisipyo ng marikina. mini-madison square garden kung tutuusin sa marikina. as in "mini" talaga ha. huwag masyado itulad. "parang" lang. so ayun, matapos mapadaan, naisipan ko manuod. niyaya ko yung pinsan ko na nakatira lang malapit doon at nagpaalam na rin sa tita. bago pa kami lumabas ng pinto sinabihan kami na "o may dala ba kayo kutsilyo dyan?" mahirap na daw. mabuti nang sigurado. malamang nagpapatawa lang yung tita ko noh. pero nang sabihin niya iyon, muli ko naalala yung panonood ko dati ng interbaranggay. hay grabe, kung akala ninyo maingay ang cheering, trash talk, suntukan at murahan sa UAAP, kumpara sa interbaranggay na napapanuod ko, pang GP lang yun. kung ipapalabas sa sinehan. dito hanep. masisilaw kayo sa ibat ibang palamuti sa katawan ng mga manlalaro. may mga tatoo ng dragon, bungo, guns and roses. at mawawala ba ang mga mala-alupihan na tahi. malamang nakuha sa saksak, taga o rambol. wala lang, mas mukhang tigasin ka kapag meron ka nun. hindi ka basta basta mababalya. siempre ba naman, lalo na kung alam mo na magkikita pa kayo sa labas ng court. di na uy. Pero sa laro na ito marami ang matatapang. walang atrasan.. sayang naman yung tatoo ng bungo at guns and roses sa katawan kung tatakbo lang o tatlikod. kaya ayun madalas ang rambol. at malamang kasama na dun ang mga manonood na sinusuportahan ang kanya kanyang baranggay. Naisip ko rin an napakastrategic nung postition ng court. malapit sa munisipyo. malapit sa kulungan. kaya nga kadalasan mga pulis at baranggay tanod napapanuod na rin. hindi makasyut o makapuntos ang inaabangan nila dun, kundi royal rumble, pinoy style.
hindi lang mga players o mga best plays ang magandang panoorin. maaliw din kayo sa crowd. yun ang mas inoobserbahan ko kung minsan. astig!!! ang dami nilang baong hirit sa mga players at sa kalaban na crowd. napakacreative at talagang makabagbagdamdamin. pwedeng mga advertisers galing umisip ng tagline. at magaling humanap ng solusyon sa mga kakulangan. tulad nalang ng isang player na napanuod ko. magaling siya. kinakain ang kalabang team. pero ayun, buhos naman ang pangaasar sa kanya ng kalabang baranggay.iba't ibang insulto, sagad sa buto. tulad ng maliit ulo, tinatawag na tumana pimple.(tumana, lugar yun kung saan siya ata galing) ayun at sari sari pa. napansin ko rin na medyo may kaliitan ang kanyang ulo at di proportional sa laki ng kanyang katawan. kapansin pansin nga. akalain ninyo, may isang genius sa kalabang baranggay na nakaisip ng solusyon sa problema niya. ano yun? e di magyabang daw siya para lumaki ang ulo. "hanep!" sabi ko. biruin ninyo instant solution sa problema. napakamot nalang sa ulo yung player at pinaupo na sa bangko.
ibang klase, double entertainment yun. maaliw ka sa basketball pati narin sa mga nanonood.
nga pala kung tanungin ninyo ako kung sino knampihan ko nung nanood ako...ah wala, masyado ako naaliw sa mga maiingay na tao na nakaupo sa kabilang dulo ng court. at nawalan na ako ng panahon na pumili. siguro masyado na akong nasasabik sa mangyayari. hindi sa bestplays ah kundi sa maaring rambol. hahaha tagal ko na di nakakita nun e. ang sama kung tutuusin pero pero.. ewan. basta ayun. natapos ang laro, umuwing sawi. puro muntik lang... saya saya

1 Comments:

  • hehehe. teka, curious ako, nagdala ba kayo ng kutsilyo? hehehe. exciting nga ang laban sa mga ganyan!

    By Blogger clatot, At 8:37 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



<< Home