inside out
due to public demands..(naks english simula) eto magkwento nanaman ako tungkol sa aking misadventures.
Pasakalye
kadalasan akong nasasabihan na suplado. (hanep, feeling gwapo noh, hindi namamansin.) Siguro nga, kasi hindi daw ako namamansin kapag nakakasalubong ako ng kakilala o lalo na ng bagong kakilala. Bakit nga ba? naalala ko may nakapagsabi sa akin na harapan na daw akong binabati niya e hindi ko parin daw siya nakikita. malayo ba daw ang tingin. so ayun marahil dahil madalas akong nahuhulog sa pagkatulala. blanko ang aking isipan. napupunta ba ako sa mundo na tahimik at ang tanging nakikita ko lang ay ang aking daraanan. sa madaling salita, hindi naman sa suplado ako o ayaw mamansin, madalas lang po matulala at blanko ang isip.
...............................
isa sa mga hindi ko malilimutan na karanasan sa 4 na taon na pananatili sa kolehiyo ay nuong nagfashion show ako sa loob ng jeep. kumbaga nagpapauso ng bagong style ng pananamit.
noong araw kasi, kapag mayroon akong break na lagpas 2 oras, naiisipan ko munang pumunta sa bahay ng lola ko na malapit lang naman sa ateneo. lalo na kapag nagagawi sa tanghalian yung break. In short nakikikain ako palagi. matapos kumain, siesta. naging routine ko na yun. dadating ako sa bahay ni lola, tanong ulam, kain tapos siempre siesta. sa haba ng break ko nun nagagawa ko lahat ang mga yan.
may isa rin akong nakagawian, at iyon ay tanggalin ang aking t-shirt kapag humihiga. para daw hindi malukot. so ayun tanggal, presko. pagtunpatak ng ala una, ayun bangon na ako. bangag kasi bagong gising. hilamos para magising lalo. pero kadalasan, sa huli bangag pa rin. kunin na yung t shirt, suot tapos paalam na aalis na.
1st time
sasakay na ako ng jeep papunta katipunan. mainit, at medyo tulala dahil bagong gising nga e. pero may isang nakapagpagising sa akin noon. malamang chicks. hehehe So ayun, madalas ko nahuhuli na panay ang tingin sa akin. nakursunadahan yata ako. (malamang la pa ko GF non noh) astig, lakas ng dating ko sa kanya. sulyapan ko rin sabi ko. haay, dahil sa bakla ako, dumating na yung jeep sa katipunan at wala man lang ako nagawa. sayang...sabi ko.
naglakad na ako patungo sa sakayan ng tricycle. habang yumuyug na ang sinasakyan ko dahil sa bilis ng pagpapaandar, may nakapa ako sa damit ko na tila hindi nararapat. bakit yung tag nasa harap at nakalabas. pati yung tahi. hanep baligtad pala.
2nd time around
magaling ako na estudyante at tao. kaya nga naulit nanaman yung pangyayari na iyon. pero buti nalang habang nasa jeep palang ako nalaman ko na. paano? may mama naman na panay ang tingin sa akin. hindi ko napapansin, siempre suplado nga e. pero ayun di na napigilan nung mama yung sarili. Nang malapit na kami sa katipunan at akoy pababa na, sinenyasan ako nung mama. humahawak siya sa tshirt niya at tinuturo ako gamit nguso niya. (napaka Pilipino) napatingin ako agad sa suot ko. ayan ayun hola! baligtad na naman. inside out na nga, tapos yung tag nasa harap p"a. alam ninyo ano ginawa ko at sinagot ko sa mama. tumanghod ako at nagsasabing "oo alam ko. sinadya ko yan"sumakay naman yung loko at naniwala nga. pagkababa ko ng jeep sa aurora, takbo agad ako sa jollibee para itama yung suot ko.
................................
hay, sabi ko sa sarili paki ko sa mga nakakita, ganun e. iba ang maiba. hehehe

1 Comments:
LOLZ! ang funny naman ng incident na ito. dapat siguro gumawa ka na ng sarili mong line ng damit! tapos ang pangalan "BALIKTAD" hehehe. ang tagline...gusto ko eh, paki mo?!
By clatot, At 6:17 AM
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home