subok lang..

Saturday, November 12, 2005

Nang matutong magseatbelt

Balik sa pagsusulat nanaman ako.
Marami nang nangyari, maraming kailangan ibahagi.
Kulang ang isang gabi para isiwalat laman ng aking isip.
Simulan ko nalang sa isang araw...

Nagmamaneho ako kasama si Avs. Papunta kami sa Ateneo para magenroll. Bumaba ako ng sasakyan at muling naamoy ang simoy ng hangin na labing anim na hininga ng aking baga. Kapareho parin ng dati, mainit at maaliwasa ang panahon. Walang pinagkaiba sa huling enrollment na napuntahan ko. Nariyan pa rin ang mga mahahabang tali na hinahati ang mga nakapila sa Xavier Hall. Isama mo narin ang mga tambay, este mga bantay na isa isang tinitignan ang mga resibo at documento ng mga nakapila.
Umupo muna ako sa isang tabi habang hinihintay makabayad si Avs. Sa aking pagkakaupo, unti unti akong nahulog sa pagmumunimuni. Eto nanaman ako at nakatulala at nakatingin sa kaharap na pader. Nakasentro ang aking paningin sa isang maliit na tuldok na kung minsan ay lumalabo at kung minsan naman'y lumalaki. Tulala sa kawalan.

Napunta ako sa nakaraan. Nasa panahon ako kung saan wala pa ang SEC. Soccer field dati yun kung saan nagiintrams ang gradschool. Balik din ako sa unang araw ng klase kung saan di ako maiwan ng nanay ko at hinintay pa ako sa labas ng aking silid aralan. Pagkapasok ko sa silid, dumungaw agad ako sa bintana para makita ang mga nagkukumpulang mga nanay na tinatanaw kaming mga estudyante sa loob ng aming silid. Kasama dun si mama. Hay, 1989 pa yun ngunit tandang tanda ko pa. Sekyson "Matipid"

Nawala ang aking pagkatulala nang maaninagan ko ang papalapit na babae sa akin. Tapos na si Avs magbayad. Sa aming paglalakad papunta sa kotse, naalala ko nanaman ang sinabi sa akin noon ni Avs. Sabi nya, buong buhay ko, Marikina at Katipunan lang ang napupuntahan ko. Totoo yun ah, sa loob loob ko. Halatang halata nga naman dahil sa marunong nga ako magmaneho pero pinakamalayo ko nang napuntahan greenhills. Tinuring ko pang tagumpay yun ah na nakapagmaneho ako ng ganung kalayo. Nakakahiya mang tanggapin, ganun talaga ako ka-olats sa direksyon. Yan ang resulta ng tulog ng tulog sa loob ng sasakyan kapag pasahero at may bagong lugar na pinupuntahan. Imbis na matuto sa mga bagong daan, ayun mas pinipili ko pang matulog.

Ibang usapan na ang kasalukuyan ngayon. Lumawak narin kahit papaano ang kaalaman. Salamat sa tour guide ko. Akalain nyo, may tour guide na ako, may girl friend pa. Nakakatawang isipin na sa aming dalawa, ako itong Pilipino pero walang alam sa mga lugar dito. Kasabay sa paglawak ng kaalaman sa daan, ganun din sa mga patakaran.

Naantala ang pagmumuning ito nang mapansin kong kinakawayan ako ng isang MMDA habang ako ay mag-Uturn sa tapat ng gate 3. Bigla akong napatanong kay Avs na walang kamalay malay at aking tinanong kung anong araw na. "Thrusday". Patay, coding nga pala ako at akalain mo 350 pm na. Walang lusot. Dagdag nanaman sa kartada ko ito. Sa taong ito, 2 color coding na, isang beating the read light sa pagtawid ko sa edsa sa may kamuning (pero nalusutan ko at sinabing yellow pa.) at no seatbealt. (napalusot nga sa beating the read light pero napansin naman na wala akong seatbelt.). Ayun, suki na ng MMDA ngayong taon at malaki na ang nadodonate ko sa gobyerno maliban sa tax.

Nadagdagan nanaman ang mga kaibigan kong MMDA...

Natapos ang araw na nangako si Avs na magseseatbelt na palagi siya. Himala dahil ayaw na ayaw ng taong ito na magseatbelt. Hindi na raw dapat akong mahuli. Natakot siya siguro dahil ngayon palang yata siya nakaranas ng mahuli at mabigyan ng ticket. Sa bagay, kahit nga nahuli, nakumbinsi nanaman si Avs na magseatbelt na palagi.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



<< Home