Ang Pagbabalik
teka nga ano nga ba una kong ikukwento...hmmm. sige simulan natin dun sa pagpunta ko sa thailand nung isang linggo.
Noong isang linggo nagpunta ako, kapatid ko at 3 pang med rep ng nanay ko sa bangkok thailand. Bigla nalang ako tinawagan sa bahay ng nanay ko at sinabing, aalis kayo sa biyernes ng kapatid mo at pupunta kayo sa thailand. Uy hanep sabi ko. Makukuha ko na rin yung inaasam asam ko na bakasyon.
Sa umaga ng biyernes, at kami'y papunta na ng airport, kitang kita ko sa mga magulang ko na medyo nagaalala sila sa amin. siempre, kaming dalawa lang ng utol ko ang aalis. At siempre, ito ang unang pagkakataon namin na makakaalis ng bansa magkapatid. Kaya nga't nasermonan kami agad ng tatay ko nang makita niyang nasa isang lamesa yung passport naming magkapatid. Mukhang maiiwan sana namin. Hay galit kaming sinermonan. hahaha. pero ayshlang. Ayun sa wakas, pumunta na kami sa airport at tumungo na sa thailand.
Tatlong oras lang ang biyahe at ayun isang pelikula lang ang katapat nun para di mabagot. Wala naman masyadong nangyari sa biyahe, medyo maingay lang dahil sa mga kanluraning kasama namin. Mga pranses di ko naman alam ang mga pinagsasabi.
Ano nga ba ang masasabi ko sa thailand? Maraming mga dayuhan, maliban sa mga thais simepre. May puti, may itim, may dilaw, may brown. Mayaman ang tourismo ng bansang ito. Talagang dinarayo marahil dahil sa mumurahing bilihin. Isang malaking tiangge ang bangkok. Mura pa daw.
Papuntang hotel, napansin ko agad na baliktad ang daloy ng trapiko nila dun. Right handed ang mga sasakyan. so ayun nakakalito tignan. kala ko umaandar magisa yung mga katabi naming sasakyan kasi walang nagmamaneho sa kaliwa...nasa kanan pala yung drayber. Nakasakay narin kami dun sa tricycle nila na tinatawag na" tuk tuk". Hah! at may tuktuk din yung driber. akalain ninyo talo pa ang dyip dito kung magmaneho. hari ng kalsada. mas agresibo ang mga maliliit na sasakyan dun sa highway. kapag maskonti ang proteksyon ng dala mong sasakyan, dapat mas hataw. hahaha para patay agad.
Sa pagkain naman, ang lupit sa anghang. Umorder kami ng kapatid ko sa isang kainan dun. Bago ang mga pagkain kaya, idinaan nalang namin sa litrato. kung ano yung mukhang masarap e di iyon ang inorder. Hanep! namula agad ang kapatid ko sa unang subo pa lang. mahanghang daw. Hindi niya naubos tuloy. Ako naman, sinubukan ko yung inorder niya at pareho kami ng reaksyon. Inuulan ng pulang sili yung pagkain at biruin ninyo binigyan pa kami ng sawsawan na puro sili. Baka daw kulang pa. Ang bangis talaga, kasing-init ng impyerno yata. yung kasama naman namin na thai, medyo matamis pa nga raw e. kulang pa sa anghang. Ibang klase!
Ayun, puros shoping at pagbisita sa templo ang ginawa namin dun. nga pala puro litrato ng hari nila ang nakita namin sa mga kalsada. kung sa edsa, laman ng mga naglalakihang billboards ang mga litrato ng mga halos nakahubad na mga modelo, doon hindi. Litrato ng mahal nilang hari. kamukha ni Fidel Ramos ang hari nila!
Umuwi kami matapos ang 3 araw dala ang anghang ng thailand. MAraming bagong karanasan at natutunan. Ano yun? patpong!!!! hahaha freak show! bumalikltd sikmura ko!!!

1 Comments:
naks! sossy naman ni tristan. hehe.
By clatot, At 7:33 AM
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home