subok lang..

Sunday, November 13, 2005

Nov 1

Mahaba haba naring panahon nang huli akong sumulat dito sa blog na ito. Sumuko na marahil ang mga taong paminsan minsan dumadalaw para makabasa ng bago tungkol sa akin. Balik private blog nanaman ako. Hangga't hindi ako nagsasabi na nagupdate na ako malamang ako lang makakabasa nitong sinusulat ko ngayon. Ayshlang. Tuloy parin ang liga sa pagsusulat.

Sa tuwing sasapit ang araw ng patay ay madalas akong nakikita sa loyola memorial park dito sa Marikina. Buong araw akong nakatambay doon kasama ang mga kamaganak na madalas makita at mga bihirang makita. Gigising na ilan sa aking mga pinsan ng ala singko ng madaling araw ng nov 1 para asikasuhin ang lugar kung saan kami gagawi. Kadalasan, pupunta na ako dun ng mga 10am o 12nn para makisalamuha sa mga kamag-anak. Masaya para sa akin ang Nov 1. Nagkikita kaming magpipinsan, mga malayong kamag-anak, kaibigan at sari sari pang mga tao. Nagdadasal, nagkakainan, nagkukwentuhan at kaming mga bata ay gumagawa ng bola na gawa sa kandila. Kahit madalas pagsabihan noon na wag laruin ang mga kandila, natatapos ang araw na nakagawa parin ako ng isang malaking bolang kandila.

Bata pa lamang ako, ganito na ang gawain namin. Hanggang sa pagtanda ko ganito parin. Kung noon, pumupunta ako para sa paggawa ng bolang kandila at kumain. Ngayon, kasama na ako sa kwentuhan ng matatanda. Naging matalas narin ang aking mata sa pagtingin ng mga naggagandahang mga babae sa sementeryo. Maraming "pwede" ika nga.

Ngunit sa taong ito, hindi ako nakapunta. Ito pa lamang ang ikalawang pagkakataon na hindi ako nakapunta sa sementeryo dito sa Marikina. Nangyari yung una, nang bumisita kami ng nanay ko sa probinsya at dun ipagdiwang ang araw ng patay. Sampung taong gulang pa yata ako noon. Nagyong taon na ito, nangibang
bansa ang aming pamilya para magsaya.

Panibagong karanasan.

Buong pamilya kaming pumunta sa singapore at nanatili doon ng 4 na araw. Masaya dun. Madaming bago. Malinis, organisado at higit sa lahat maraming chinita. Marami nanamang "pwede"

Sa Singapore ko nakita ang sa tingin kong final product ni BF sa kanyang mga ginagawa para sa Metro Manila. Maraming tanim na halaman sa kalsada at hinahayaan ang mga halaman na gumapang sa mga overpass at magsilbing pintura o disenyo nito. Nandun din ang yellow lane ng mga bus at mga terminal nito kung saan doon lang talga sila nagsasakay. Kulay luntian ang Singapore kahit na marami itong nagtataasang mga gusali. Balanse ang mga gusali sa mga halaman. Sinabi sa amin ng tour guide namin na malapit sa equator ang Singapore at mainit ang klima. Isang paraan ng paglaban sa init ay damihan ang mga halaman. Oo nga naman!

Ayun.

2 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



<< Home