subok lang..

Sunday, February 26, 2006

Misunderstood lang

Nakabasa nanaman ako ng isang mahabang kwento sa isang blog ng isa kong kaibigan at natuwa sa mga kwento nya. Hindi naman talaga ako ganun kasipag magbasa. Kadalasan nadidismaya na ako agad kapag nakita ko ang haba ng aking babasahin. Ganun ako. Pero meron isang blog akong madalas dalawin at inaabangan ang mga panibagong kwento tungkol sa kanyang pakikipagsapalaran sa buhay. Hindi ko namamalayan ang haba ng kwento sa tuwing binabasa ko ang mga iyon at kung minsan naman tila nabibitin pa ako. Sabihin na nating nakuha niya ang aking atensyon sa kanyang walang prenong pananalita at pagsusulat. Ibang klase para sa akin. Halos maubusan ako ng hininga sa kakatawa.
Ingles ang napili nyang paraan ng pagsusulat at kahit na marami akong napapansing kamalian sa grammar at sentence structure na siguradong tataasan ng kilay ng mga english teachers, hindi parin iyon sapat para makulong ako sa ganoon lang na aspeto ng kanyang salaysay. Malaman ang kanyang kwento. Masasabi kong kakaiba siya sa pagpili ng salitang panlarawan kung kayat nabibigyan nya ng kulay ang kanyang kwento. Magaling siyang maglarawan. Iniisip ko nalang na siya yung tipong dumadaloy ng dalisay ang mga nasa isip nya tungo kanyang mga daliri sa tuwing siya ay nagtytype. Isa pa wala siyang takot sa paglalabas ng gustong sabihin. Karamihan sa mga kwento nya sa aking palagay nagmumula lahat sa kanyang damdamin kung kaya't ganun nalang kadali sa kanya na humugot ng mga salitang gagamitin upang ilarawan ang kanyang nararamdaman. Napapagkamalan na nga siyang weirdo kung minsan.

Weirdo dahil sa ang dami nyang opinyon sa buhay na kadalasan hindi napapnsin ng iba. Naalala ko nga yung mga tanong nya na dapat yata gagamitin nya sa research paper nya sa english 11. Isa na dun yung tipong "Where did dust come from?" at "Is pandesal really cancerous?"Natawa ako nang marinig ko iyon kala ko nagbibiro. Ganun din yata ang naisip ng kanyang guro at agad na pinapalitan ang kanyang mga tanong. Pero balita ko noon sumama daw loob nya dahil seryoso naman talaga siya noon.

Ang dami nyang nasasabi, ang dami niyang naiisip. Kaya nga noon pa nakasulat siya ng nobela at meron na siya 3 tape ng mga kanta na siya mismo ang kumanta at naglapat ng musika.

Kahit ako naweirduhan sa kanya noon pa man pero hindi iyon dahilan para layuan siya. Nakakatuwa nga siya e. Misunderstood nga lang kung minsan.

Ayun.

1 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



<< Home