subok lang..

Friday, March 24, 2006

Isang Tulog Lang

Ilang buwan na ang nakalipas. Mahaba na uli buhok ko at di na kailangan magsuot ng bonnet para itago ang kahindik hindik na sugat sa ulo. Pogi na uli.

Magpapacheck up na uli ako. kaya naisipan ko nalang magkwento.

Hindi ko talaga malilimutan ang oktubre ng taong 2005. Sa panahon na ito ako sumailalim sa isang operasyon. Matapos kong magpakonsulta sa doktor at makita ang mga xrays at ctscan, agad nagpaschedule ng operasyon. Akala ko matagal pa, pero biruin mo biglang sinabi na o next week na ah punta ka dito. Syet, sa isang linggo na yun ah. Sabi ko sa sarili ko. Alam ko martes yun. Smallville pa naman.

Nakaktakot ang isang linggo na yun, lalo na yung paghihintay ng resulta nung mga xray at ctscan. Nga pala ang cool nung ctscan!!! Yun yung ipapasok ka sa isang cylinder na thingamagig. Yung tulad ng napapanood sa mga pelikula. Kala ko tulad ng xray lang. Pero iba pala ang proseso. May injection pa. Namutla ako nung nakita ko yung nurse na may hawak na malaking injection. Puta malaki talga at mataba. "Nurse, yan ba yung itutusok nyo sa akin? ang laki nyan, pwede ba inumin ko nalang?" Natawa yung nurse sabi, hind panghalo lang to ng gamot. Parang dextrose lang ang itutusok syo. Napakalaking langgam nun kung nagkataon. Salamat sa Diyos!

Alas 7 ng umaga ang schedule ng operasyon martes. Kinagabihan palang nasa ospital na ako. 5am ng martes, gising na ako, naligo at nagbihis na ng hospital gown. Yung manipis na tela at may mga tali sa likod para di mahubad. Napapaloob lamang sa gown ay shorts. Maya maya pa, pumasok na ang isang doktor at kinabit na ang aking suero. First time to. Tinignan ko nalang mukha nya kaysa dun sa pagtusok. Suabe. kayang kaya. Makalipas ang ilang minuto meron nanaman pumasok at injection nanaman. Tinanong ko agad kung masakit ba yan. HIndi na nagsinungaling yung nurse at sinabing oo, medyo masakit kasi yung gamot. Ayun. HInga nalang ng malalim.Pamparelax daw ng muscles yun. Malapit na.

Magaalas siete na nang maramdaman ko na ang epekto nung gamot. Lasing na ako!! Sabay pumasok na yung mga kukuha sa akin. Inilipat ako sa isang kama. Sabi nung isang nurse, sir tanggalin nyo na yang shorts nyo. Ano?! sabi ko. Pati under wear kailangan. Lasing na ako noon e. wala na lakas kumontra. "takpan nyo ko ng kumot." sabi ko. So naka gown lang ako at walang underwear. Suabe.

Ang galing nung pagdala sa operating room. Tila pelikula. Nakikita ko yung ilaw sa kisame na nilalampasan ko habang tinutulak nila yung kama papunta sa OR. Ayun pagdating sa OR, lasing parin ako at nanlalambot. Dami mga babaeng nurse sa loob. Kinabitan na ako ng mga thingamagig. Matagal bago dumating yung doktor, kaya nakapagmunimuni pa ako. Ang daming pumasok sa isip ko sa mga oras na yun... magigising pa kaya ako. ano kaya pakiramdam. Paano kung nagising ako habang inooperahan pa ako. Pero pinakakinakatakutan ko talga yung kung magigising pa ba ako. Sabi ko... bahala na. Basta masaya ako ngayon. Natigil ang pagmumunimuni nang naramdaman kong naiihi ako. Di na pwede kasi nakakabit na lahat ng instrumento sa akin... Takot ako magsalita ukol sa nararamdaman kong pagkaihi kasi baka lagyan ako ng catheter. Saliksikin nyo nalang kung ano yun para maintindihan nyo kung bakit ayoko. Basta kahit ano wag lang yun. E hindi ko na mapigilan kaya sinabi ko agad sa katabi kong nurse na naiihi ako. Pano na yan? Meron ba kayong pitchel dyan, iihi nalang ako dun. Meron sir. Sige tatagilid na ako hawakan mo yung container ng maigi a. Wala na akong hiya nun kahit babae pa. Ayoko talga macatheter

Suabe..

After a couple of minutes, bumulaga na sa paningin ko yung anestheologist at yung doctor na magoopera. Tristan, ano gusto mo sa buhok mo? Yung sa likod lang ba ang kakalbuhin natin? Sabi ko. Pwede lahatin nalang. Medyo magmumukha akong loko kapag yung likod lang ang kalbo. Ala shoalin look na sa likod ang kalbo. Pwede ba..
Oo nga naman... sabi ni doc.
"O tristan eto na" nakita ko na ilalagay na sa mukha ko yung oxygen mask. palapit ng palapit... tapos...ZZZzzzzz....

Makalipas ang 2 oras...
Dumilat ang aking mga mata... medyo malabo... mukha ng doktor ko ang aking unang nakita. "O musta na pakiramdam mo?"...
Pagkarinig ko nun..tsaka ako natauhan... ang bigat ng ulo ko... ang sakit ang sakit!!!
Dinagdagan ni doc ng morphine at pinasipsip sa akin yung malaking cotton bud para maibsan ang sobrang pagkauhaw.
Sobrang reklamador ko pala... masakit e.

Dahil sa karanasan na ito. marami akong napagmunihan. Napuno ng katanungan ang isip ko ukol sa uri ng pamumuhay ko. Masaya ba ang buhay ko? Naging mabuti ba kong anak, kapatid, kaibigan? nagagamit ko ba lahat ng bigay sa akin ng Diyos. Handa na ba ako mawala....kakatakot. pero ayshlang.

Nanghinayang ako at hindi ko napavideo ang operasyon para napanood ko...

ayun

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



<< Home