subok lang..

Wednesday, March 15, 2006

Jackpot

Simple lang naman ang plano ko noong sabado. Pumunta ng mall at bumili ng wall clocks para sa warehouse. Isinama ko si avs sa sta lu bumili at nagaliw aliw ng konti sa mall.

Habang naglalakad, parang wala ako sa sarili dahil sa sobrang paghahanap ng murang wall clock. Habang naglalakad, may natanaw ako sa loob ng department store. Ayun!!! Sabay bilis ang lakad papasok at nakatuon lang ang atensyon sa mga wall clocks na nakadisplay. Mabilis ang aking lakad, hila hila si avs. Wala akong nakikita kundi ang mga wall clocks. Nagmamadali na kasi ako at kailangan ko pa ihatid si avs pauwi bago mag alas kwatro. Alas 3 na nun kaya kailangan magmadali. Habang pumapasok na kami sa entrance biglang lumitaw na isang mukha. Nawala panandalian ang atensyon ko sa mga wall clocks. Nagkatitigan kami nung isang mama. Nasa isip ko nun, aba chinese na chinese ang itsura nito ah. Yun narin siguro dahilan kung bakit bigla nakuha niya atensyon ko.

Nagkatitigan kami nung tao. Mga isang metro lang ang distansya namin sa isa't isa. Alam nyo yung tulad sa anime kapag nagkakatitigan yung dalawang magkalaban tapos nawawala yung back ground at sila nalang natitira sa screen. Samahan mo pa ng kidlat sa pagitan ng dalawa. Ganun na ganun ang pakiramdam ko. Ganun ang dating ng aming pagtatagpo. Ayun, mukhang gulat itsura nung mama. Tumahimik bigla ang paligid sa pagkakataong iyon nang biglang narinig ko nalang ang boses ng aking kasama , sabi "uy uy uy..." Nagpatuloy na ako sa paglalakad at bumalik sa pagpunta sa mga wall clocks.
Maya maya napansin ko sa itsura ni avs na mukhang gulat na gulat din. "Bakit?" tanong ko.

"Tatay ko yun!" sabi nya

Nanlambot ako nung narinig ko yun. Nakaakbay pa ako nun kay avs, kaya wala talagang lusot. Pakshet.....

Dati sa paghatid pauwi, tapos sa telepono, ngayon harapan na. ano kaya susunod?

Moral of the Story: Ang taong mabilis tumakbo kapag natinik malalim, at kung meron pang tumakbo ng mas mabilis, sigurado kabayo yun!!

Ayun

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



<< Home