Karisma ng Pinoy
Matagal na tong nakatago sa drafts ko. Binuhay ko lang para may maipost.
Kadugtong ito ng kwento ko sa pagbiyahe sa Thailand. Eto naman tungkol sa biyahe pauwi.Pagsakay namin sa eroplano na patungo ng Pilipinas, mas marami na ngayong pilipino kaming nakasabay. Yung nasalikuran ko ay grupo na mga Pilipino na nais narin makita ang bayang sinilangan. Ang bangis ng natutunan ko sa biyahe na iyon.Nagsimula lahat sa pagupo ko.
Maingay ang mga nasalikuran ko. Mga pilipino kasi nagtatagalog e. Mga 4 siguro sila. Sa gitna ako ng eroplano nakaupo . Sa may aisle. Meron silang kasama na sa may bintana nakaupo at wala pa ang katabi. Ayun, nagkukuwentuhan sila, asaran, kantyawan. (matatanda na ang mga ito ah, mga late 30's na siguro). Meron pa silang inasar na kano. Nung dumaan sa harap nila, sabi nung isa, "pare tignan mo oh si steven seagal!" mahaba lang yung buhok nung kano si steven na agad. Natawa ako ng malakas matapos marinig yun.
Halos mapupuno na ang eroplano at nagtataka yung isa na nasa bintana kung bakit wala pa siya katabi. May thrill daw kasi di nya alam kung sino ang makakatabi niya. Matapos ang ilang minuto, may babae dumating, papalapit sa direksyon namin. Nakaamoy agad yung lalaki at pinagyabang sa mga kasamahan niya. "pare sabi ko sa inyo magaling ako pumili e" "ang puti, intsik yata chuk chak chong..... " Natawa yung mga kasamahan niya at inudyok siyang subukan ang kanyag karisma. "pare sige subukan mo yan ang puti!"Tinignan nung babae ang numero ng upuan at ayun tumabi dun sa lalaki. "pare sabi ko sa inyo magaling ako pumili ng upuan e" ulit ng lalaki.
May itsura yung babae, maputi, maganda hugis ng katawan. Kumbaga medyo hawig kay rachel leigh cook. Bangis noh? kaya ganun kasaya si manong. Abot taenga ang ngiti. Pagkaupo nung babae, nagtatawanan yung mga kasamahan nung lalaki. "o ano pare simulan ko na ah" Ayun dumiskarte na si manong."Hi, where are you from?" sabi nung manong habang ipinapakita ang kanyang close-up smile. Napangiti yung babae at sinabing, " i'm from thailand'. "Where are you headed?" blah blah blah. Natuwa din naman yung babae sa kanya, kala mabait.Pucha, naging ala tourist guide yung loko.... pulis english hahaha. Ang pangit nya!
Yung 3 oras na biyahe naging 30 minutos. Bumilis dahil naaliw ako sa kwentuhan. Ano natutunan ko? Kung pangit ka maghanap ka ng foreigner tapos galingan mo magsalita. Kung hindi makuha sa pagkagandang lalaki, daanin nalang sa PR. hahaha suabe.
Nang palabas na ako ng airport, nakita ko yung lalaki kasama na nya yung babae. Hanep!!
Ayun

3 Comments:
Wahahahahhaha!!!
By yyelow_lemon, At 8:08 AM
totoo ito?
By Anonymous, At 12:03 AM
naalala ko nung byahe ko sa thailand nung isang taon. tuwang-tuwa yung mga thai sa mga pinoy na byahero. tawag sa atin same-same.
By twistedman, At 8:46 AM
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home