subok lang..

Friday, October 20, 2006

Sabi nila...

Mga di ko malilimutang kasabihan..

Itong jungle bolo di ko alam kung ok sa kawayan, pero lam ko mainam sa tao yan. -- isang tao sa GSO marikina

Ang bilis maubos ng dog food namin. Tumatahol na nga mga pusa sa amin e. --buyer sa petshop

Kung ang mga amerikana..maputi nga pero magaspang. may mga buhok. Di tulad ng pinay makinis kahit saan mo hawakan. --karpentero

Yung krus namin kapag sa dagat siguradong maliligtas kami kasi yari sa kahoy.. di tulad ng sa inyo ilulubog ka lalo. di ka maliligtas haha... -karpentero (habang nakikipagdebate sa kapwa karpintero)

Sino si Kristo? Tao lang. Sino si Manalo? Sugo!. --karpentero

Kapag teenager/bagets sa paghahanap ng lalaki.."ay ang cute!" Kapag mature na " ay mabubuhay ako sa kanya!" --


Tristan ang pangit ng sulat mo. Parang di ka tinuruan sa school. parang di kita anak. --nanay

Tristan hindi ka na nagsusubmit lang ng dokumento sa skwela. ayusin mo naman sulat mo at presentation. --nanay

At ang pinaka paborito ko.....

"ANONG AKIN DYAN" or "ANONG MAPUPUNTA SA AKIN"

hanep.... sa loob loob ko.

ayun