subok lang..

Friday, November 30, 2007

Basted at Ice Cream

Nawala sa aking mga kamay ang isang matagal ko nang inaabangan na account! Pucha talga ang tadhana. Isipin ko man ng paulit ulit ang payo ng nanay ko na "kung hindi talga para sa atin edi hindi" Simple lang naman at madaling intindihin. Pero ang hirap tanggapin.

Ilang araw ko rin pinaghandaan ang subastahang iyon. Natalo ako nung round one. Mayo yata naganap yun. Pero tinuring ko na learning experience yun. Its like your first time you know. It hurts but all goes well after. hehe
Sa pangalawang pagkakataon kamakailan lamang, armado na ako ng karanasan nung unang subastahan. Inaral at inanticipate ko na ang mga maaring gawin ng aking makakalaban. Parang boxing. Niresearch ko ang kanyang kartada. Sa apat kong kalaban, isa lang naman talga ang hadlang.
Dumating ang oras ng subastahan at malaki ang aking kumpiyansa. Pangiti ngiti panga ako at nakikipagtsikahan.
Nang dumating na sa aming proyekto, unang binasa ang dokumento ng aking kalaban. Nagdadasal ako na sana may kulang syang dokumento para matapos na agad ang aking pangangamba. Pero hinde, syet kumpleto.
At nang basahin na ang kanyang presyo....potang ina!! sabi ko sa sarili ko. Pano nya nagawa yun.
Alam ko nang talo na ako, bago pa dumating sa documento ko ang comite.
Natulala ako at nablanko ang buong paligid. Wala akong naririnig maliban sa paulit ulit na tinig ng chairman sa presyo ng aking kalaban.
Kahit anong komputasyon ang gawin ko para gawing lohikal ang prinisinta nyang presyo, wala talga. Imposible!
Sumubok ako ng cheapshot matapos ang bidding. Nang magtangka akong magtanong, pinigilan ako ng chairman. Bawal daw magtanong habang nagaganap ang subastahan. 1000 pesos ang multa. E makalipas ang ilang proyekto at nakitang marami naman ang nagtatanong, humirit na ako.
Tila ako isang bata na nanakawan ng ice cream, nang nagsalita na ako. "ms chairman i have a question." Tumingin agad sya sa akin. "1000 pesos?" sabay ngiti. Natatawa yata sya sa akin dahil mukha akong totoy na nagtatanong kung may kendi sya. Buti nalang pinagbigyan ako. "blah blah blah"
Sa huli, nacounter din ang aking argument at wala nang nagawa.
Langhiya ganun talga buhay. weather weather.
PAra akong nabasted ng dalawang beses. Tila isang babae na patuloy akong tinatanggihan ang account na yun.
MAtapos ang subastahan nilapitan ko yung lalaki

Ako: pare congrats (sabay handog ng kamay ko para kamayan sya)
Lalaki: Salamat pare
Ako: Sabihin mo naman sa amo mo wag na nya ulitin yang ganyan. Maganda din na may tubuin minsan. (habang nakangiti)

Badtrip talaga. halos dalawang oras din ang biyahe ko dun sa lugar na yun. Natapos na ang isang linggong kaba.
Hanggang ngayon, inaalam ko parin pano nagawa ng kalaban ko ang ganung presyo... hay buhay

Nawalan ako ng account, nawalan ako ng pambili ko ng laruan. haha

ayun

Media ang bida

Saloobin lamang.

Kamakailan lamang nasaksihan natin ang isa nanamang pagtatangka ng grupong magdalo na patalsikin ang pangulo. Tila may taste sila sa pagpili ng lugar at isa uling sikat na five star hotel ang kanilang napagdiskitahan. Kawawang Manila Pen. Planado nga ba ito? Natawa ako sa sagot ni Gen Lim, "kung planado to hindi dapat kami naglalakad ngayon." (habang naglalakad papunta sa hotel). oo nga naman
Tulad ng dati, salimoot sa kasalukuyang gobyerno at namumuno nito ang nagtulak sa grupo na gawing kampo nila ang Manila Pen.
Tama.

Binigyan hanggang alas tres ang grupo ni trillanes para sumuko at lumabas ng Hotel. Ito naman ay minaliit ni Trillanes sa pamamagitan ng pagsagot nya sa isang tanong ng reporter kung anong gagawin nila pagdating ng alas tres. Wala daw mangyayari. Inakala ko rin na matutulad ito nung sa Oakwood na laging may extension sa deadline at maraming eepal at makikisawsaw na pulitiko. Mangangampanya.

Pero iba na ang sitwayson. Iba na ang namumuno sa AFP

Seryoso ang militar. At nakita ni trillanes yun kung kayat napailing nalang ito nang mabalitaan na ginagamitan na sila ng teargas. Napasubo. Pangungutsa nalang sa pamamaraan ng gobyerno ang kanyang naitugon.

Tila isang giyera ang naging sitwasyon. Handa na kumalabit ng gatilya ang mga sundalong pumapaligid sa hotel. At ang climax, pumasok ang isang tanke sa loob ng hotel. Pumarada sa lobby. Flat rate yata at 40 pesos lang ang parking fee.

Sa huli nagdesisyon din sila na lumabas nalang sila and call it a day. Malamang nakita na nila na walang magagwa ang paggamit nila sa media bilang forcefield. For the sake of the lives of the civilians who are with them daw, kaya sila lalabas na. (rephrase "syet di nga sila nagbibiro, suko na.)

Sa dami ng sundalong pumaligid, sa mga putukang nangyari, sa mga hinuling politiko at dating mga politiko, lahat ito ay nasapawan.


Hindi na sila trillanes ang bida. Ang media na.

Sa huli, tila nasapawan ang mga pinaglabang saloobin nila trillanes. Saloobin na ng media ang laman ng balita. (homecourt e)

Yung mga napagiwanan na media sa loob at sumabay sa pagsuko ni trillanes palabas ay hinuli ng mga pulis. Pinadapa, tinutukan ng baril, pinosas at pinasama sa Bicutan. Nagreklamo pa ngaang isang reporter. Parang nagpakatanga sya sa mga tanong nya. Bakit daw sila huhulihin. Media daw sila. (stated in english with exaggerated accent and intonation, ala ruffa guttierez)


Para sa akin, alam nyang live on tv yung eksena na yun at ganun nalang ang reaksyon nya para makakuha ng sympathy at makabuo ng imahe na sila ay inaabuso.

Sa palagay ko hindi.

Matalino yung sumagot na pulis.

SOP na ng mga pulis na isailalim sa isang interogasyon ang mga taong natagpuan sa isang crime scene, o kaya kung sino man ang nasasangkot. Tingin ko alam naman ng mga reporter yun. Malamang nakapagcover naman siguro sila ng mga imbestigasyon at mga panghuhuli ng mga pulis. barado ka
common sense lang yan...
Maaring may mga magdalo na nagpapanggap na media.

Hindi naman ako against sa media. Pero sa pagkakataon na ito, parang may pang aabuso narin sa panig ng media. Sa tingin ko naman, hindi nagkulang ang mga awtoridad sa mga warning at paghimok na sila'y tumabi na. Pumasok na nga yung PNP chief sa loob para himukin silang lumabas kahit na pagtulakan pa ito ng mga magdalo palabas. Kung sabihin ng mga reporter na ginagawa lang nila ang kanilang trabaho sa pagcover, ganun din sa mga pulis. Ginagawa lang nila ang kanilang trabaho, na ipatupad ang batas at sa tingin ko naging sagabal sa operasyon ang media.

Kailangan intindihin din ng media kung kailan na sila umaabuso at kailan sila nasa lugar.
Yun lang yun.

Sana sa mga news, pakita din ang saloobin ng mga sundalong sumubok na pumasok sa manila pen. Tao din sila. Ginagawa din lang nila ang kanilang trabaho. ANg kaibahan lamang, sila ang magiging target ng mga baril ng mga magdalo kaysa sa mga may hawak ng camera. Ika nga, ang mga pulis, sundalo, paglumabas ng bahay ang isang paa'y tila nasa hukay na. Sino ang mas delikado?

Iba na talga ang pokus ng pangyayari. Tulad nalang nitong kwento ko. Hindi na ukol kung sa bakit nagawa nila trillanes yung ganun at kung ano ang kanilang haharapin, kundi bakit hinuli ang media.
hanep.

yun lang.
amen