subok lang..

Friday, November 30, 2007

Basted at Ice Cream

Nawala sa aking mga kamay ang isang matagal ko nang inaabangan na account! Pucha talga ang tadhana. Isipin ko man ng paulit ulit ang payo ng nanay ko na "kung hindi talga para sa atin edi hindi" Simple lang naman at madaling intindihin. Pero ang hirap tanggapin.

Ilang araw ko rin pinaghandaan ang subastahang iyon. Natalo ako nung round one. Mayo yata naganap yun. Pero tinuring ko na learning experience yun. Its like your first time you know. It hurts but all goes well after. hehe
Sa pangalawang pagkakataon kamakailan lamang, armado na ako ng karanasan nung unang subastahan. Inaral at inanticipate ko na ang mga maaring gawin ng aking makakalaban. Parang boxing. Niresearch ko ang kanyang kartada. Sa apat kong kalaban, isa lang naman talga ang hadlang.
Dumating ang oras ng subastahan at malaki ang aking kumpiyansa. Pangiti ngiti panga ako at nakikipagtsikahan.
Nang dumating na sa aming proyekto, unang binasa ang dokumento ng aking kalaban. Nagdadasal ako na sana may kulang syang dokumento para matapos na agad ang aking pangangamba. Pero hinde, syet kumpleto.
At nang basahin na ang kanyang presyo....potang ina!! sabi ko sa sarili ko. Pano nya nagawa yun.
Alam ko nang talo na ako, bago pa dumating sa documento ko ang comite.
Natulala ako at nablanko ang buong paligid. Wala akong naririnig maliban sa paulit ulit na tinig ng chairman sa presyo ng aking kalaban.
Kahit anong komputasyon ang gawin ko para gawing lohikal ang prinisinta nyang presyo, wala talga. Imposible!
Sumubok ako ng cheapshot matapos ang bidding. Nang magtangka akong magtanong, pinigilan ako ng chairman. Bawal daw magtanong habang nagaganap ang subastahan. 1000 pesos ang multa. E makalipas ang ilang proyekto at nakitang marami naman ang nagtatanong, humirit na ako.
Tila ako isang bata na nanakawan ng ice cream, nang nagsalita na ako. "ms chairman i have a question." Tumingin agad sya sa akin. "1000 pesos?" sabay ngiti. Natatawa yata sya sa akin dahil mukha akong totoy na nagtatanong kung may kendi sya. Buti nalang pinagbigyan ako. "blah blah blah"
Sa huli, nacounter din ang aking argument at wala nang nagawa.
Langhiya ganun talga buhay. weather weather.
PAra akong nabasted ng dalawang beses. Tila isang babae na patuloy akong tinatanggihan ang account na yun.
MAtapos ang subastahan nilapitan ko yung lalaki

Ako: pare congrats (sabay handog ng kamay ko para kamayan sya)
Lalaki: Salamat pare
Ako: Sabihin mo naman sa amo mo wag na nya ulitin yang ganyan. Maganda din na may tubuin minsan. (habang nakangiti)

Badtrip talaga. halos dalawang oras din ang biyahe ko dun sa lugar na yun. Natapos na ang isang linggong kaba.
Hanggang ngayon, inaalam ko parin pano nagawa ng kalaban ko ang ganung presyo... hay buhay

Nawalan ako ng account, nawalan ako ng pambili ko ng laruan. haha

ayun

Media ang bida

Saloobin lamang.

Kamakailan lamang nasaksihan natin ang isa nanamang pagtatangka ng grupong magdalo na patalsikin ang pangulo. Tila may taste sila sa pagpili ng lugar at isa uling sikat na five star hotel ang kanilang napagdiskitahan. Kawawang Manila Pen. Planado nga ba ito? Natawa ako sa sagot ni Gen Lim, "kung planado to hindi dapat kami naglalakad ngayon." (habang naglalakad papunta sa hotel). oo nga naman
Tulad ng dati, salimoot sa kasalukuyang gobyerno at namumuno nito ang nagtulak sa grupo na gawing kampo nila ang Manila Pen.
Tama.

Binigyan hanggang alas tres ang grupo ni trillanes para sumuko at lumabas ng Hotel. Ito naman ay minaliit ni Trillanes sa pamamagitan ng pagsagot nya sa isang tanong ng reporter kung anong gagawin nila pagdating ng alas tres. Wala daw mangyayari. Inakala ko rin na matutulad ito nung sa Oakwood na laging may extension sa deadline at maraming eepal at makikisawsaw na pulitiko. Mangangampanya.

Pero iba na ang sitwayson. Iba na ang namumuno sa AFP

Seryoso ang militar. At nakita ni trillanes yun kung kayat napailing nalang ito nang mabalitaan na ginagamitan na sila ng teargas. Napasubo. Pangungutsa nalang sa pamamaraan ng gobyerno ang kanyang naitugon.

Tila isang giyera ang naging sitwasyon. Handa na kumalabit ng gatilya ang mga sundalong pumapaligid sa hotel. At ang climax, pumasok ang isang tanke sa loob ng hotel. Pumarada sa lobby. Flat rate yata at 40 pesos lang ang parking fee.

Sa huli nagdesisyon din sila na lumabas nalang sila and call it a day. Malamang nakita na nila na walang magagwa ang paggamit nila sa media bilang forcefield. For the sake of the lives of the civilians who are with them daw, kaya sila lalabas na. (rephrase "syet di nga sila nagbibiro, suko na.)

Sa dami ng sundalong pumaligid, sa mga putukang nangyari, sa mga hinuling politiko at dating mga politiko, lahat ito ay nasapawan.


Hindi na sila trillanes ang bida. Ang media na.

Sa huli, tila nasapawan ang mga pinaglabang saloobin nila trillanes. Saloobin na ng media ang laman ng balita. (homecourt e)

Yung mga napagiwanan na media sa loob at sumabay sa pagsuko ni trillanes palabas ay hinuli ng mga pulis. Pinadapa, tinutukan ng baril, pinosas at pinasama sa Bicutan. Nagreklamo pa ngaang isang reporter. Parang nagpakatanga sya sa mga tanong nya. Bakit daw sila huhulihin. Media daw sila. (stated in english with exaggerated accent and intonation, ala ruffa guttierez)


Para sa akin, alam nyang live on tv yung eksena na yun at ganun nalang ang reaksyon nya para makakuha ng sympathy at makabuo ng imahe na sila ay inaabuso.

Sa palagay ko hindi.

Matalino yung sumagot na pulis.

SOP na ng mga pulis na isailalim sa isang interogasyon ang mga taong natagpuan sa isang crime scene, o kaya kung sino man ang nasasangkot. Tingin ko alam naman ng mga reporter yun. Malamang nakapagcover naman siguro sila ng mga imbestigasyon at mga panghuhuli ng mga pulis. barado ka
common sense lang yan...
Maaring may mga magdalo na nagpapanggap na media.

Hindi naman ako against sa media. Pero sa pagkakataon na ito, parang may pang aabuso narin sa panig ng media. Sa tingin ko naman, hindi nagkulang ang mga awtoridad sa mga warning at paghimok na sila'y tumabi na. Pumasok na nga yung PNP chief sa loob para himukin silang lumabas kahit na pagtulakan pa ito ng mga magdalo palabas. Kung sabihin ng mga reporter na ginagawa lang nila ang kanilang trabaho sa pagcover, ganun din sa mga pulis. Ginagawa lang nila ang kanilang trabaho, na ipatupad ang batas at sa tingin ko naging sagabal sa operasyon ang media.

Kailangan intindihin din ng media kung kailan na sila umaabuso at kailan sila nasa lugar.
Yun lang yun.

Sana sa mga news, pakita din ang saloobin ng mga sundalong sumubok na pumasok sa manila pen. Tao din sila. Ginagawa din lang nila ang kanilang trabaho. ANg kaibahan lamang, sila ang magiging target ng mga baril ng mga magdalo kaysa sa mga may hawak ng camera. Ika nga, ang mga pulis, sundalo, paglumabas ng bahay ang isang paa'y tila nasa hukay na. Sino ang mas delikado?

Iba na talga ang pokus ng pangyayari. Tulad nalang nitong kwento ko. Hindi na ukol kung sa bakit nagawa nila trillanes yung ganun at kung ano ang kanilang haharapin, kundi bakit hinuli ang media.
hanep.

yun lang.
amen



Sunday, July 08, 2007

Toys Toys Toys!

Every time, im at the mall, the kid in me kicks in and looks for the biggest toy store that the mall can offer. Yes, at the age of 24, toys, still fascinates me more than anything else. (currently)

Right now, im drooling over the transformers action figures specifically the 3k worth optimus prime and megatron. I almost bought one when i saw the two at a certain toy store. I’m an impulsive buyer when it comes to toys. But for that instance, it was a good thing that avs was with me. It would have been a different story if i was alone and there was no one to stop me at that time. Anyway, i still have this gut feel that i would get my hands on those two someday. I just hope that the stocks are still good.

Things to buy:
Optimus prime and megatron (movie version)
Gundam heavy arms (original model) scale 1/100
Gundam sandrock (original model) scale 1/100
Gundam God (saw one at gh) scale 1/100
Gundam wing zero endless waltz version scale 1/100
Death of superman comics, World without superman comics, Return of superman comics
Speed Flash for my Olympus e300 cam
and a whole lot more toys....

Wednesday, April 18, 2007

epal galore

punyeta!

napanood ko sa news yung pagdating ni manny pacquiao. Ang daming sumalubong. Ang daming media, at putangina ang daming epal!

Nalungkod ako para kay bernabe concepcion, hindi lang sya napansin nung dumating sila ni pacquiao, naiwan pa sa airport nung convoy na papunta sanang malacanang. Sabik ang taong bayan sa pagsalubong sa matagumpay nating mga boxingero. Lahat gusto makita ang pambansang kamao. Pero punyeta, ang dami talgang umepal.

Naburat lalo ako dun sa motorcade. Isa iyong motorcade para sa mga nanalo. Para sa mga kampeon. Para sa mga lumaban para sa karangalan ng bayan. E punyeta ba naman. Pinagitnaan si pacquiao ng mga pulitiko at kung makakaway akala mo sila ang lumaban sa boxing. Pati yung isang boxingerong pinoy na nanalo e napunta nalang sa likod nila at natakpan. Punyeta talaga, hindi ba nila alam na hindi sila ang gustong makita ng tao. Kaway sila ng kaway pero wala sa kanila ang atensyon ng mga tao. Hindi naman siguro sila tanga para malaman yun noh. Dun dapat sila sa likuran ng convoy dahil wala naman talga silang silbi nung araw na yun. Siguro, nagaayos lang ng ruta at nagbigay ng permit sa motorcade. Pero punyemas naman, ibigay nyo naman yung spotlight dun sa karapat dapat. Pati nga yung sasakyan na ginamit sa convoy, tila christmas gift na balot na balot ng mga punyetang larawan. Buti sana kung mukha ng mga boxingero yun. Pero hindi e.

Naalala ko yung isang lecture nung guro ko sa philo. Inis na inis sya sa mga wang wang. Yung mga nagcocounterflow sa daan na naka heavy tint, luxury car, may excort at may wang wang. Mga VIP ng bayan. Sabi ng guro ko, e pano ba naman nila maiintindihan ang problema ng trapiko dito sa pilipinas e wala naman silang nararanasang ganun. Kaya nga pagnakarating sila sa opisina nila at tanungin kung mtrapik, malamang isipin nilang "anong trapik?" Sana lahat ng tao may wang wang at escort din para di makaranas ng trapik

Sa pagkakaalam ko nga dapat mga ambulansya, pulis at bumbero ang may ganun. Yung tipo bang kailangan nilang makarating ng mabilis sa paroroonan dahil may buhay na nakataya. Dapat yun lang exempted. May isang araw nga na nakasalubong ko yung isang convoy, punyemas, nagcounterflow ba naman. at ako yung nakasalubong nila. Naisipan kong hindi tumabi, marami naman akong backers e. (marami nang sasakyan sa likod ko at hindi na makagalaw pa. kala mo kung sinong matapang e. hehe) Para aliwin ko nalang sarili ko at hindi mainis, iniisip ko nalang na kaya siguro nagmamadali ang mga hungkag na yun ay dahil natatae sila o excited makita ang mga binabahay nilang chickas.

langhiyang buhay to.
punyetang mga oportunista

ayun

Thursday, April 12, 2007

kalungkutan at kaibigan

"complaining about your relationship to a colleague opens a window of opportunity for him to get closer to you while you push your partner away" -from cosmo mag

Hindi talga ako nagbabasa nito pero dahil sa walang magawa at marami pang pasyente ang dinalaw kong client, basa muna. Puro pang babae ang magazine. Ok lang daming sexy pics sabi ko. Ayun, una ko na binasa yung cosmo mag na sinasabing biblia ng mga babae. Pero di ako bakla a. Walang relasyon ang pagbasa nun sa pagiging bakla, kahit mangilang beses kong nahuhuling tinitignan ako ng machong lalaki sa harap ko na may hawak na poodle. Poodle! haha

ayshlang

Nabasa ko yung quote sa itaas sa isang article sa cosmo magazine. Yan na siguro ang talgang nakakuha ng atensyon ko. sa buong magazine Talo pa yung article tungkol sa sex. Mature na e. Hindi na puros sex ang iniisip. Actually dati pa namang hindi e. Nacorrupt lang ng mga circle of friends lalo na yung mga hightech buddies.

Balik sa kwento. Ewan ko ba pero di nawala sa isip ko yan at marami pa ang nagflashback na memories sa isip ko matapos kong mabasa. Natawa ako, kinilabutan at medyo natulala. Parang akong tanga. Naimagine nyo na sunod sunod in that same order ang facial reactions ko? Kaya siguro nakatingin yung kaharap ko. Pero hindi ganun nangyari ah. joke lang. Nakatingin lang si machong may poodle dahil hawak kong cosmo mag.

Naalala ko yung madalas sabihin sa akin nung kaibigan ko sa skwela ukol sa mga babaeng nasa relasyon. May babae kasi syang natipuan tapos ang pagkakaalam ko yung babae na yun, matagal na sila nung bf nya. Kaya binalaan ko na sya. Pero kakaiba magisip ang kaibigan ko. Matinik. Sabi nya, mas madali daw hulihin ang manok na nakatali. Sabi ko naman hanep. Hindi ko naisip yun. Bahala sya sa buhay nya.

Wala na ako masabi, pagod na ako sa mga oras na ito pero madali naman intindihin yung statement. yun lang. Isang paalala yata sa mga mahilig mangaway ng kanilang mga irog.

Learning experience

"grief is natures most powerful aphrodisiac!"-chazz reinhold from the wedding crashers

ayun

Tuesday, April 03, 2007

Teknolohiya at Bomba

Naisip ko lang na napakabilis ng pagasenso ng teknolohiya ngayon. Masasabi ko na swerte ang mga estudyante ngayon dahil sa teknolohiya. Tulad nalang sa larangan ng bomba. Hindi tulad ng dati na pahirapan ang panonood at pagpupuslit ng bold sa labas. Sa laki ba naman ng VHS tape e pano mo naman maibubulsa yun. Pero dun nakikita ang creativity ng isang tao. Tulad nalang nung HS. Para makapagpuslit or makipagtrade ng bomba sa vhs, ibalot mo sa gift wrapper. Hindi nga naman tatangkaing buksan sa inspection yun. Lagyan mo pa ng dedication para lalong di pagkainteresan. Hanep noh. Perseverance breeds creativity.

Inabot din naman naming ang panahon ng mga cd. Mas madali nang itago. Pwede na iipit sa libro yun. Pero minsan nakaktakot din. Baka minsan kasi makalimutan mo na nagipit ka pala ng cd na bomba sa isa sa mga nahiram mong libro sa library. At dahil sa pagmamadali naisoli mo na at hindi na natanggal ang cd. Totoo yan. Nangyari sa isa kong kakilala kung kayat ayun, kinabukasan nun, tinawagan nya agad ang isang kaibigan na maaga sa eskwela dumadating at pinapila agad sa library. Tila isang bookworm ang taong yun sa agang pagpasok sa library. Ewan ko lang kung biblia yung libro na inipitan.

Meron din naman advantages ang panahon namin nung hs. ANo? Edi yun yung panahon ng mga bomba queens sa sinehan. From Amanda P. to Joyce J. Pucha pumili ka. Hindi nawawalan ng bomba sa sinehan buwan buwan. Langhiya lahat bomba e. If its from seiko it must be bold. Dahil, mga bata pa at mga menor de edad, kanya kanya nanaman ng diskarte ang mga kolokoy. Merong nagcocollared shirt pagpapasok para tumanda, merong naglalagay ng pulbos sa buhok para pamapadagdag ng edad at pababaan ng boses. Hanep talga. Mas magaling pa acting nila sa mga artistang nasa palabas

Ganyan noon. Sa panahon ngayon, nandyan na ang flash drive, cellphones at iba pa. La lang nawawala na ang diskarte. Iba parin ang dati.

Ika nga ni tado “TEKnology talga!”
Pero di ako nanghihinayang. Masama manood ng bold e. Kaya ako noong mga panahon na yun hanggang ngayon…wholesome tayo.

Ayus.

Tuesday, March 27, 2007

Gender and Phones

Nanood kami ng starstruck ni avs sa marikina sports center. Dapat di na kami tutuloy dahil wala na kami ticket. Binigay ko na lahat sa cousins ko at mga tita. Pero sa kalagitnaan ng event at nasa paligit lang naman kami ng marikina sports center, naisipan nalang namin na manood. Maraming entrance dun. May pang bleachers, middle at harap na harap. Sabihin na nating pink, red, yellow tickets respectively. Sinubukan namin pumasok sa unang entrance na nakita namin.

tristan: Manong pwede ba pumasok?
Guard: May ticket ka?
tristan: Wala po e, nasa kasama namin na nasa loob na.
Maraming tao ang nakaabang din sa entrance.

tristan: sige na po nasa loob naman kasama namin
Guard: di talaga pwede e. dami rin gusto pumasok na wala ticket

tumayo ako kasama si avs sa harap ng gate at nakatitig sa kanya habang umaarte na may tinatawagan kunwari sa cel.

makalipas ang ilang minuto...

tristan: boss sige na (sabay hila kay avs na tila pinapakita sa guard)
Guard: tumangho at pinapasok kami
yes........
Pagpasok namin, akalain nyong sa pinakaharap pala na entrance yun. pangVIP yata.

Tristan: buti kasama kita, pangstartruck itsura mo e.
Avs: haha
-----
PEro hindi natatapos dyan ang lahat. Sunod na misyon ay ang hanapin ang mga tita at pinsan sa loob ng malaking sports park.
Tinawagan ko ang aking mga tita, isa isa.
Tita 1: ring lang ng ring (tried 4 times no answer)
Tita 2: ring lang ng ring (tried 5 times no answer)

Tristan: (naiinis na) mga nagcelphone pa kasi e!
avs: hehe
Tristan: ikaw, san mo nilalagay cel mo?
avs: sa bag?
Tristan: e may bulsa ka naman ah. nakasilent ba phone mo? pano mo malaman kung may tumatawag?
avs: e ganun e.
Tristan: hay....

Tinawagan ko ulit yung iba
cousin female: ring lang ng ring (tried 3 times no answer)
cousin female 2: same thing

Tristan: grr.....
Tristan: panu kung may tinatawagan ka tapos ring lang ng ring at di sinasagot? then pagnakita mo sya, at tanungin kung bakit di sumasagot tsaka lang nya tignan cellphone nya at makita ang mahigit sa 5 missed calls mo at tatawa? ano mararamdaman mo?
Avs: wala, kasi ganun ako e.
Tristan: haha (nawala ang inis)

Naisip ko na kasama pala nila ang isa kong tito
Tristan: lahat ba ng babae ganyan?
Avs: hehe
Tristan: kasama pala nila si tito, tignan mo to ah. paglalaki tawagan ko
Tristan: Tignan mo kami mga lalaki ang bilis sumagot kasi nasa bulsa.

Tinawagan..
Tito: ring..ring....ring....Hello?
Tristan: San kayo?
......
Avs: napangiti
Tristan: sabi ko na e!

Napatawa si avs matapos nun. At nung makita namin sila
Tristan: nasan po cellphone nyo?
Tita: nasa bag hehe
Tristan: hay... sabay tawa

Nang pauwi na kami
Tita2: (nagcheck ng cell na galing sa bag) tumawag ka pala?
Tristan: opo. :)

hanep...
ayun.

Friday, March 16, 2007

Incorruptible

Nakakapagod sabay masaya din ang ginagawa kong trabaho ngayon. Dati rati, parati kong sinasabi sa sarili ko nang nagtratrabaho ako sa loob ng opisina na ayoko ng nakaupo lang at nakaharap sa computer. Buti sana kung pwede manood ng bold. Pero hindi e. Kaya ayun nangarap ako ng isang exciting na trabaho kung saan pwede ako lumabas. Sa kasalukuyan ko na trabaho natupad yun. Dito, para akong seaman. Larga ditto larga doon. Kung saan may subastahan, mapa Apari man o Jolo sugod ako.

Pero nasosobrahan din yata, kasi minsan pagod na ko at sukang suka na lumabas. Ngayon ako naman ang nagmamakaawang gumawa ng office work kung minsan. Pero sa ngayon, sanay na ako. Masaya na ang trabaho konting extra joss at redbull lang panalo na. Ano trabaho ko? Companion Animal Drug Pusher. Hawak ko ang government accounts kung kayat kung saan saang munisipyo ako napapapadpad. Maramirami narin akong nabisitang munisipyo at maraming beses narin akong nawala at nagmukhang turista. Pinaka bago na siguro yung nakatulog ako sa bus at inakalang nakalagpas na ako sa Lipa Batangas exit. Langhiya, nang magising ako, nasa highway na yung bus at wala akong nakikitang karatula na nadaanan na nagsasabing lipa batangas. Sabi ko nalang, baba nalang ako sa sunod na bayan at dun magtanong. 30mins na ang nakakalipas at tila di parin tumitigil ang bus. Kinabahan na ako at nagtanong nalang sa katabing lalaki. “Manong nadaanan naba ang Lipa?” Sabi nya. “ala e hindi pa. wag ka magalala magsasabi ang konduktor.” Buti Nalang!

Maganda ang Lipa. Malinis at tila Marikina din. Good job ate Vi! Naaliw din ako sa punto ng mga local dun. Kahit natanong ko na sa isang tao kung panu pumunta sa munisipyo patuloy parin ako nagtanong sa mga nakasalubong ko para lang mapakinggan ang batangenong punto. Aliw!

Balik sa trabaho. Ganito trabaho ko ngayon. Maraming beses na nagmumukha akong turista. Lalo na talga kapag malayuan nang probinsya nadadayo ko.. Basta sugod lang ng sugod.

Hindi lang magagandang lugar ang nakikita ko kundi ibat ibang uri ng tao. Masasabi kong baptism by fire ako sa trabaho na ito. Sugod agad. La man lang training, konting dos and donts lang. Isa akong taong lumaki sa isang relihiyosong eskwelahan sabay napangaralan ng maayos ng mga magulang. Naging idealist ako at some point. Pero sa trabaho ko ngayon, unti unti narin nasira ang mga imaheng nasa isip ko. Kung noon sa dyaryo o matanglawain (alam nila lahat ng mali sana magbigay din sila ng solusyon wag lang angal) ko lang nababasa ang mga nangyayaring kababalaghan sa ating sistema, ayun first hand experience talaga. Hindi nabubuo ang aking mga ideya sa mga nababasang mga pahayagan o opinion ng mga sinu sino dyan na maaraing korakot din. Eto talaga harapan.

Sa mga unang pagsabak ko dito sa trabaho, and dalas sumama ang loob ko at tila di kayang sikmurain ang mga nangyayari. Bakit may ganung tao? Puta! Kaya nga kada nalang pumapasok ako sa isang lugar, nandun parin ang nerbiyos ko na baka masakmal ng mga buwayang nagmamasid.

Naisip ko na wala pa pala sa kalingkingan ng stress na hinaharap ko mula sa mga kabulastugan ng mga tao sa sistema kumpara sa pisikal na pagbibiyahe. Nakakalungkot talga isipin. Ito ang realidad, sira ang magandang imahe ng mundo na nabuo sa eskwela.

Naalala ko yung sinabi sa akin ng isa kong kaibigan at nagging kaklase. Gusto nyang magtayo ng business para makatulong sa mga taong walang trabaho. Sabi nga nya. “pare iba yung feeling kapag alam mong nakakapagbigay ka ng hanap buhay sa mga nangangailangan.” Hanep! Gusto ko yung sinabi nya. Sana ganun magisip lahat ng tao. Ganun din naman ang gusto ko. Gusto ko makatulong at maisabuhay ang pagiging “man for others” na mahigit 15 taon na itinanim ng mga heswita sa aking isipan. Hindi naman sila nabigo base sa narinig ko sa aking kaibigan. Hindi rin sila siguro nabigo sa akin. Kasalanan nila kung bakit marunong akong humindi at di masikmura ang kamalian. Kagagawan ng mga mabutng pangaral yun. Napaligiran din ako ng mabubuting tao. (majority siguro)

Kung wala yung mga pangaral na yun, madali na sana laruin ang laro ng mga ungas na tao. Mayaman na sana ako ngayon. Sa kaso ko mahihirapan talga ako makisabay. Nalulungkot nga ako matapos kong maalala ang nasabi ko isang beses sa isa kong kaibigan. “pare ok yung mga prinsipyo pero kung patuloy kang kakapit dyan, kakainin ka ng buhay ng iba”. Parang hindi ko matanggap na nasabi ko iyon. Unti unti narin akong naiimpluwensyahan. Ika nga kapag nababad ka sa isang cultura, makakagawian mo rin yun.

Marami pala ako natutunan sa eskwelahan ng hindi ko namamalayan. Saksi na siguro dito yung mga ungas na nakakakuha ng sagot na “hindi” mula sa akin. Ngayon sa labas ng eskwela, sa totoong mundo lumilitaw ang mga natutunan ko. Kahit hindi sinalamin ng aking report card na meron akong natutunan, masasabi ko parin ng tahasan na MARAMI akong natutunan na mahalaga. Mas marami siguro dun sa mga de Honor at sinasabing matalino pero tahasan ang pangwawalanghiya sa kapwa. Marami ganyan sa mundo.

Kung meron man qualification para sa trabaho ko na kailangan kong iemphasize “INCORRUPTIBLE” sana lahat merong katangian na ganyan. Amen!

Paglalagom? La ako masabi e. tapusin ko nalang sa….

ayun