subok lang..

Tuesday, April 18, 2006

Solitude

Image hosting by Photobucket Image hosting by Photobucket Image hosting by Photobucket
Image hosting by Photobucket Image hosting by Photobucket Image hosting by Photobucket
Image hosting by Photobucket Image hosting by Photobucket Image hosting by Photobucket
Image hosting by Photobucket
Ayan pictures naman. Natuto narin ako magupload ng pics dito ng marami. Mas hilig ko talaga ang black and white kaysa colored. Naaliw ako sa shadows. Naaalala ko yung class kay sir pancho. Lalo na yung mga sagot lagi ng mga kaklase ko tuwing tinatanong tungkol sa mga kuha nilang larawan....."sir Solitude"(kapag wala nang masabi pang iba) Astig....
Ayun

Friday, April 07, 2006

Explicit Content

Masisi nyo ba ako kung may nakikita ako at pansinin.Ang tao merong peripheral vision. Hindi maiiwasan ang tumingin dahil malawak ang focal length natin.

Eto kasi nangyari, biyernes ng umaga pumila na agad ako sa terminal dito sa may greendale marikina para pumunta ng trabaho. Pagsakay ko, ayos maluwag pwede pumili ng uupuan. Handa na akong ipikit ang aking mata para matulog. Ganoon na kasi ang siste, kapag papunta ako trabaho. Itutulog ko ang buong biyahe. Pero sa araw ng biyernes na iyon, ibang klase ang nangyari. Nakaramdam na ako ng antok at unti unti ko nang isinasara ang aking mga pilik mata. Mabigat na kasi. Hindi pa umaalis ang sasakyan dahil hindi pa ito napupuno. Mayaya pa naramdaman kong may pumasok. Isang babae. Malamang sa pagpasok sa loob ng sasakyan nakayuko sya.

Hanep, kala mo may pupuntahang party yung babae. Mukhang kinapos sa budget yung babae sa damit. Kapiranggot na skirt lang suot nya at nakasleevless pa. Ang masama pa doon, hindi man lang nagtakip ng dibdib nung nakayuko at papunta na sa kanyang upuan. Naalimpungatan ako noon at nawala ang pagka antok. Katapat ko ba naman. Buti nalang at naisipan nyang takpan ng jacket ang kayang legs pagkaupo. Salamat sa Diyos.

Maya maya pa umandar na ang sasakyan. Sinubukan ko uli matulog. Pero ayaw na talaga. Lalo na nung nandun na kami sa malubak na daanan. Ibang klase. Hindi ko maipikit ang aking mga mata. Paumanhin sa sasabihin ko pero kailangan ko talaga sabihin dahil sa malaking bahagi ito ng aking sanaysay. Ayun. Malaki talaga ang suso nung babae. Si manong driver naman ayun tuwang tuwa sa lubak lubak na daanan kung kayat tila nagbabanggaang bundok sa harap ko yung hinaharap nung babae.

Nakashades yung babae nakakatakot tumingin dahil hindi ko nakikita ang kanyang mga pupils. Baka binabantayan ang mga mata naming lalaki sa harap nya. SInubukan kong iiwas ang aking ulo at tumingin sa ibang direksyon. Pero bigo parin ako. May peripheral vision tayo. Gago pa tong driver natuwa sa lubak. Malamang pansin din yun ng mga katabi kong lalaki.
Hindi talaga maiwasan.

Pumara na pagdating sa building na pinagtratrabahuan ko. Ewan ko ba at biglang nagiba ang aking paningin. Nahilo marahil. Tapos habang paakyat na ako ng overpass, may nakasalubong nanaman ako. Sa malayo palang kita ko nanaman yung isa pang babae. Malaki rin at mabilis pa siya maglakad Puro tumatalbog na ang nasa isip ko. Isa ka pa!

Naalala ko yung pelikulang 40 days 40 nights. Mayroong isang scene dun kung saan nananaginip yung lalaki na lumulutang sya at puro suso ang nakikita. Hanep

Pagdating sa trabaho, dinaan ko nalang sa hilamos nang mahugasan ang masamang espirito na bumalot sa akin nung araw na yun.

Ano natutunan ko dito... sa susunod matuto magsuot ng shades.

Ayun.

Monday, April 03, 2006

Karisma ng Pinoy

Matagal na tong nakatago sa drafts ko. Binuhay ko lang para may maipost.

Kadugtong ito ng kwento ko sa pagbiyahe sa Thailand. Eto naman tungkol sa biyahe pauwi.Pagsakay namin sa eroplano na patungo ng Pilipinas, mas marami na ngayong pilipino kaming nakasabay. Yung nasalikuran ko ay grupo na mga Pilipino na nais narin makita ang bayang sinilangan. Ang bangis ng natutunan ko sa biyahe na iyon.Nagsimula lahat sa pagupo ko.

Maingay ang mga nasalikuran ko. Mga pilipino kasi nagtatagalog e. Mga 4 siguro sila. Sa gitna ako ng eroplano nakaupo . Sa may aisle. Meron silang kasama na sa may bintana nakaupo at wala pa ang katabi. Ayun, nagkukuwentuhan sila, asaran, kantyawan. (matatanda na ang mga ito ah, mga late 30's na siguro). Meron pa silang inasar na kano. Nung dumaan sa harap nila, sabi nung isa, "pare tignan mo oh si steven seagal!" mahaba lang yung buhok nung kano si steven na agad. Natawa ako ng malakas matapos marinig yun.

Halos mapupuno na ang eroplano at nagtataka yung isa na nasa bintana kung bakit wala pa siya katabi. May thrill daw kasi di nya alam kung sino ang makakatabi niya. Matapos ang ilang minuto, may babae dumating, papalapit sa direksyon namin. Nakaamoy agad yung lalaki at pinagyabang sa mga kasamahan niya. "pare sabi ko sa inyo magaling ako pumili e" "ang puti, intsik yata chuk chak chong..... " Natawa yung mga kasamahan niya at inudyok siyang subukan ang kanyag karisma. "pare sige subukan mo yan ang puti!"Tinignan nung babae ang numero ng upuan at ayun tumabi dun sa lalaki. "pare sabi ko sa inyo magaling ako pumili ng upuan e" ulit ng lalaki.

May itsura yung babae, maputi, maganda hugis ng katawan. Kumbaga medyo hawig kay rachel leigh cook. Bangis noh? kaya ganun kasaya si manong. Abot taenga ang ngiti. Pagkaupo nung babae, nagtatawanan yung mga kasamahan nung lalaki. "o ano pare simulan ko na ah" Ayun dumiskarte na si manong."Hi, where are you from?" sabi nung manong habang ipinapakita ang kanyang close-up smile. Napangiti yung babae at sinabing, " i'm from thailand'. "Where are you headed?" blah blah blah. Natuwa din naman yung babae sa kanya, kala mabait.Pucha, naging ala tourist guide yung loko.... pulis english hahaha. Ang pangit nya!

Yung 3 oras na biyahe naging 30 minutos. Bumilis dahil naaliw ako sa kwentuhan. Ano natutunan ko? Kung pangit ka maghanap ka ng foreigner tapos galingan mo magsalita. Kung hindi makuha sa pagkagandang lalaki, daanin nalang sa PR. hahaha suabe.

Nang palabas na ako ng airport, nakita ko yung lalaki kasama na nya yung babae. Hanep!!

Ayun