subok lang..

Monday, May 29, 2006

Namiss ko..

Noong sabado pumunta ako ng sta lu para ipagawa ang aking playstation. Matagal nang sira yun at hindi nagagamit kaya naisipan ko ipagawa na nang mapakinabangan naman. Naisip ko rin mga kapatid ko na walang tigil ang pagpapaalala na ipagawa na nang may malaro na sila.Kaya ayun dinala ko na nga sa sta lucia.Sa basement yung pagawaan ng playstation, balak ko sana sa may circuit city para kilalang lugar ang aking pagpapagawan. Iba na ang sigurista. Pagkapasok ko sa basement, laking pagtataka ko nang makitang napakaraming tao sabay pagkakarinig sa isang pamilyar na boses. May kumakanta!!

Binilisan ko ang aking paglakad at tumungo sa maraming tao. Nakita kong may isang maliit na lalaki sa entablado na pinapanood. Maya maya pa, naalala ko na yung boses. Sponge cola!!! Ibang klase ang daming tao. Tila mga nagkukumpulang mga langgam na naghihiyawan sa tuwing magsasalita si Yael.

Maya maya pa'y kinanta na nila ang Jeepney. Marami ang nagtitili matapos marinig ang mga unang linya ng kanta. Napatingin ako sa taas at nakita ang mga tao na dumudungaw. Ang dami din syet sabi ko.

Habang ako'y nanonood, unti unti bumabalik ang nakaraan. Nabalik ako sa panahon kung kailan buhay na buhay pa ang Jargon. Hindi ko alam kung bakit pero talagang naiinggit ako sa nakita ko. Naiinggit ako sa pagkakataong tumugtog na meron sila

Naalala ko ang Jargon....

Namimiss ko na ang Jargon. Namimiss ko na ang noise pollution na ginagawa namin sa bahay ni Fael sa Sta Mesa. Namimiss ko na magfeeling tuwing may gig. Namimiss ko na ang mga kapalpakan. (wala sa tono ang gitara, mas malakas ang bass kaysa sa drums dahil sa lakas ng pagslap ni kenneth etc.) Namimiss ko na ang walang humpay naming pagasa na balang araw sisikat kami. Namimiss ko na ang pagwawala ni kenneth sa bass kahit ilang beses na naming pinapaalala na mellow lang ang music. namimiss ko na ang mga chismisan sa music room at paniniwalang kami ang nagpapasikat sa mga kanta ng ibang banda. Namimiss ko na ang nerbyos at pamumutla kapag nasa entablado lalo na sa unang kanta. Kadalasan yun ang nagseset ng mood. Namimiss ko ang drunken master na t shirt ni kenneth na pinagawa pa nya para sa mga gigs. Yun at yun ang isinusuot nya sa gig. Makikita ang mukha niya na may katawan ni bruce lee. Hanep noh.

Namimiss ko ang pagmamaneho ng driver namin na si jerico na pati jeep ay umiiwas sa kanya. Kahit papaano namimiss ko rin ang mahinang aircon ng sasakyan ni jerico kahit na harabas sya kung singilin kami sa panggas nya. Namimiss ko ang pagdaan sa mercury nila kenneth para bumili ng lifestyle bago kami ihatid ni pitt pauwi. Naghahanda sa isang malabong pangarap. hahaha. Namimiss ko ang aming mga imaginary groupies, Namimiss ko ang aming Gboys die hard fans tulad ni mike lim and co. na patuloy kaming sinusuportahan at kinukutya sa bawat gigs. Namimiss ko ang bandang kabatak ng Jargon tulad ng Eardrum Maladay na tila parokya at kamikazee ang samahan.

Namimiss ko ang mga kalyo sa daliri at panankit nito dahil sa walang humpay na pageensayo. Namimiss ko na ang pagsablay ng boses ni jerico kapag kinakanta ang The Reason ng Hoobastank lalo na kapag pagod na lahat (sa tuwing nageensayo lang naman). Namimiss ko ang pagkanta ni jerico, ang pagslap ni kenneth sa bass, pagfefeeling ni pitt sa lead, paghataw ni fael sa drums at ang aking pagigitara.

Higit sa lahat namimiss ko ang samahan...

Bawat gig na pinuntahan namin ay sariwa parin sa aking isip. Lahat tila kahapon lang na gusto kong balikan.

Langyang sponge yan, dami ko tuloy namiss.

Namiss ko rin pala yung pagpapagawa sa circuit city nauwi nalang tuloy sa kung saan saan yung pagpapagawa.(naayos din naman) umaalis daw yung gumagawa ng playstation ng 7:00pm.
Dumating ako ng 6:50pm sa basement. Ilang hakbang nalang sa circuit city. E nakita ko ang sponge at pinakinggan ang huling kanta kaya ayun nakapasok ako sa Circuit city ng 7:10. San ka pa. Langhiya talga.

ayun.

Friday, May 05, 2006

Carriedo kasama si Jerico

Nakwento sa akin ni pitt kung gaano kahirap kumuha ng NBI clearance sa QC Hall. Impyerno daw sa init at magulo ang sistema. Nauwi din sya sa pagpunta sa Carriedo para dun nalang kumuha ng NBI clearance nya.

Naalala ko tuloy yung panahon kung kailan nakasama ko si jerico kumuha ng NBI clearance sa Carriedo para sa kauna unahan naming trabaho. So ayun, Nagsimula na ang trabaho namin, wala pa akong NBI clearance. 10pm-9am ang shift ko nun kung kaya't may oras para pumunta sa Carriedo. Huwebes yata nang naisipan namin ni Jerico pumunta. Wala syang pasok noon kaya dinaanan nalang nya ako sa opisina at magcommute nalang kami papunta.

Carriedo...malapit sa quiapo church..maynila... "pare wag ka magdala ng mga cellphone o wallet...maraming snatcher doon" Yan ang babalang nakuha ko sa isa kong katrabaho na nakatira malapit doon. Nabanggit ko rin kay Jerico yung babala.

Paglabas ko ng opisina, nakita ko agad si Jerico sa labas, nakashorts na pambasketball, naka tshirt at tsinelas. "squatter...patawa kong sinabi sa kanya" Ako naman, nakamaong, at tshirt.

Sumakay kami ng tren sa katipunan at bumaba sa recto station. Habang nasa biyahe, napansin ko na hawak lang nya ang kanyang wallet at cellphone. Wala kasi syang bulsa. Tinanong ko sya bakit nya napiling hawakan nalang ang kanyang wallet at cellphone. At alam nyo ba mga kaibigan kung ano sinabi nya? Para di daw sya madukutan!!! Hanep! oo nga naman kaya pinili nyang idisplay nalang ang wallet nya at cellphone. Dahil sa sobrang pagod at antok...di ko na nakuha pang kumontra at makipagdebate. Sabi ko nalang.. "tama!"

Pagdating namin sa NBI, pumila na agad kami. Magkaiba pila namin nung magpapakuha ng litrato para sabay kami matapos. Sinabihan ko si jerico pare, subukan mong papangitin mukha mo kapag lilitratuhan ka na. Ayaw nya. Sabi ko ginawa ko yun sa police clearance ko tignan mo. Natawa sya kaya ayun pumayag ang mokong.

Nang malapit na kami, nakita ko yung lalaki na namamahala sa pagkuha ng litrato. Kunot na kunot ang noo. Tila mga alon. Mainit ang ulo ni manong. Sinisigawan mga tao. "o bilis na dyan" parating sigaw nya. Hindi mo rin masisisi si manong, nakakapagod nga naman talga ginagawa nila.

Nang umapak na si Jerico sa entablado, at humanda na sa pagkuha, ayun pinapangit nya mukha nya. Yung katulad ng ginawa ni mr bean. Yung lalaki naman, nagulat yung mukha nang makita sa computer ang itsura ng kukuhanan niya. Tinanong sya, "gusto mo ba talaga ng ganyan?", sabay tawa. Ako rin natawa at sabi ko sige manong ok lang yan. Itinuloy ni manong ang pagkuha. Pagpindot ni manong nung button, biglang namatay yung camera.

"O teka, nawala....ang pangit mo kasi." sabay hirit ni manong. Tawa ako ng tawa nun. Si manong din natawa na talaga.
S

a litrato ko naman, nakatawa ako. Hindi normal sa NBI clearance yun kasi halos lahat ng nakita ko seryoso ang mga mukha sa litrato. Hindi ko na taalga mapigilan ang pagtawa.
Naisip ko, mabuti nalang at ginawa ni jerico yun, nakapagpasaya pa sya ng tao. Biruin nyo nawala yung pagkainit ng ulo nung lalaki.

Moral of the story: wag ibulsa ang wallet at cellphone, baka madukutan. hawakan mo nalang habang naglalakad sa lugar na maraming snatcher. Hanep!

Ayun