subok lang..

Friday, March 24, 2006

Isang Tulog Lang

Ilang buwan na ang nakalipas. Mahaba na uli buhok ko at di na kailangan magsuot ng bonnet para itago ang kahindik hindik na sugat sa ulo. Pogi na uli.

Magpapacheck up na uli ako. kaya naisipan ko nalang magkwento.

Hindi ko talaga malilimutan ang oktubre ng taong 2005. Sa panahon na ito ako sumailalim sa isang operasyon. Matapos kong magpakonsulta sa doktor at makita ang mga xrays at ctscan, agad nagpaschedule ng operasyon. Akala ko matagal pa, pero biruin mo biglang sinabi na o next week na ah punta ka dito. Syet, sa isang linggo na yun ah. Sabi ko sa sarili ko. Alam ko martes yun. Smallville pa naman.

Nakaktakot ang isang linggo na yun, lalo na yung paghihintay ng resulta nung mga xray at ctscan. Nga pala ang cool nung ctscan!!! Yun yung ipapasok ka sa isang cylinder na thingamagig. Yung tulad ng napapanood sa mga pelikula. Kala ko tulad ng xray lang. Pero iba pala ang proseso. May injection pa. Namutla ako nung nakita ko yung nurse na may hawak na malaking injection. Puta malaki talga at mataba. "Nurse, yan ba yung itutusok nyo sa akin? ang laki nyan, pwede ba inumin ko nalang?" Natawa yung nurse sabi, hind panghalo lang to ng gamot. Parang dextrose lang ang itutusok syo. Napakalaking langgam nun kung nagkataon. Salamat sa Diyos!

Alas 7 ng umaga ang schedule ng operasyon martes. Kinagabihan palang nasa ospital na ako. 5am ng martes, gising na ako, naligo at nagbihis na ng hospital gown. Yung manipis na tela at may mga tali sa likod para di mahubad. Napapaloob lamang sa gown ay shorts. Maya maya pa, pumasok na ang isang doktor at kinabit na ang aking suero. First time to. Tinignan ko nalang mukha nya kaysa dun sa pagtusok. Suabe. kayang kaya. Makalipas ang ilang minuto meron nanaman pumasok at injection nanaman. Tinanong ko agad kung masakit ba yan. HIndi na nagsinungaling yung nurse at sinabing oo, medyo masakit kasi yung gamot. Ayun. HInga nalang ng malalim.Pamparelax daw ng muscles yun. Malapit na.

Magaalas siete na nang maramdaman ko na ang epekto nung gamot. Lasing na ako!! Sabay pumasok na yung mga kukuha sa akin. Inilipat ako sa isang kama. Sabi nung isang nurse, sir tanggalin nyo na yang shorts nyo. Ano?! sabi ko. Pati under wear kailangan. Lasing na ako noon e. wala na lakas kumontra. "takpan nyo ko ng kumot." sabi ko. So naka gown lang ako at walang underwear. Suabe.

Ang galing nung pagdala sa operating room. Tila pelikula. Nakikita ko yung ilaw sa kisame na nilalampasan ko habang tinutulak nila yung kama papunta sa OR. Ayun pagdating sa OR, lasing parin ako at nanlalambot. Dami mga babaeng nurse sa loob. Kinabitan na ako ng mga thingamagig. Matagal bago dumating yung doktor, kaya nakapagmunimuni pa ako. Ang daming pumasok sa isip ko sa mga oras na yun... magigising pa kaya ako. ano kaya pakiramdam. Paano kung nagising ako habang inooperahan pa ako. Pero pinakakinakatakutan ko talga yung kung magigising pa ba ako. Sabi ko... bahala na. Basta masaya ako ngayon. Natigil ang pagmumunimuni nang naramdaman kong naiihi ako. Di na pwede kasi nakakabit na lahat ng instrumento sa akin... Takot ako magsalita ukol sa nararamdaman kong pagkaihi kasi baka lagyan ako ng catheter. Saliksikin nyo nalang kung ano yun para maintindihan nyo kung bakit ayoko. Basta kahit ano wag lang yun. E hindi ko na mapigilan kaya sinabi ko agad sa katabi kong nurse na naiihi ako. Pano na yan? Meron ba kayong pitchel dyan, iihi nalang ako dun. Meron sir. Sige tatagilid na ako hawakan mo yung container ng maigi a. Wala na akong hiya nun kahit babae pa. Ayoko talga macatheter

Suabe..

After a couple of minutes, bumulaga na sa paningin ko yung anestheologist at yung doctor na magoopera. Tristan, ano gusto mo sa buhok mo? Yung sa likod lang ba ang kakalbuhin natin? Sabi ko. Pwede lahatin nalang. Medyo magmumukha akong loko kapag yung likod lang ang kalbo. Ala shoalin look na sa likod ang kalbo. Pwede ba..
Oo nga naman... sabi ni doc.
"O tristan eto na" nakita ko na ilalagay na sa mukha ko yung oxygen mask. palapit ng palapit... tapos...ZZZzzzzz....

Makalipas ang 2 oras...
Dumilat ang aking mga mata... medyo malabo... mukha ng doktor ko ang aking unang nakita. "O musta na pakiramdam mo?"...
Pagkarinig ko nun..tsaka ako natauhan... ang bigat ng ulo ko... ang sakit ang sakit!!!
Dinagdagan ni doc ng morphine at pinasipsip sa akin yung malaking cotton bud para maibsan ang sobrang pagkauhaw.
Sobrang reklamador ko pala... masakit e.

Dahil sa karanasan na ito. marami akong napagmunihan. Napuno ng katanungan ang isip ko ukol sa uri ng pamumuhay ko. Masaya ba ang buhay ko? Naging mabuti ba kong anak, kapatid, kaibigan? nagagamit ko ba lahat ng bigay sa akin ng Diyos. Handa na ba ako mawala....kakatakot. pero ayshlang.

Nanghinayang ako at hindi ko napavideo ang operasyon para napanood ko...

ayun

Sunday, March 19, 2006

Ice ice baby...

Naalala ko lang ang aking kabataan....
Nakatambay nanaman kasi ako sa lugar kung saan ako lumaki at naging isang batang kalye minsan...

ice ice Baby (kanto style)

ice ice Baby,Tagaluto ng puto bungbong (repeat 3x)

(rap part)
Alaxan, Chocolate and Nissin
Ayoko nyan gusto ko fried chickin.
Softdrinks, itlog na maalat
kanin na tutong may kasamang bagoong,

ice ice baby, tagaluto ng puto bungbong. (3x)
.................

Nakakatuwa talaga...

Ayun

Wednesday, March 15, 2006

Jackpot

Simple lang naman ang plano ko noong sabado. Pumunta ng mall at bumili ng wall clocks para sa warehouse. Isinama ko si avs sa sta lu bumili at nagaliw aliw ng konti sa mall.

Habang naglalakad, parang wala ako sa sarili dahil sa sobrang paghahanap ng murang wall clock. Habang naglalakad, may natanaw ako sa loob ng department store. Ayun!!! Sabay bilis ang lakad papasok at nakatuon lang ang atensyon sa mga wall clocks na nakadisplay. Mabilis ang aking lakad, hila hila si avs. Wala akong nakikita kundi ang mga wall clocks. Nagmamadali na kasi ako at kailangan ko pa ihatid si avs pauwi bago mag alas kwatro. Alas 3 na nun kaya kailangan magmadali. Habang pumapasok na kami sa entrance biglang lumitaw na isang mukha. Nawala panandalian ang atensyon ko sa mga wall clocks. Nagkatitigan kami nung isang mama. Nasa isip ko nun, aba chinese na chinese ang itsura nito ah. Yun narin siguro dahilan kung bakit bigla nakuha niya atensyon ko.

Nagkatitigan kami nung tao. Mga isang metro lang ang distansya namin sa isa't isa. Alam nyo yung tulad sa anime kapag nagkakatitigan yung dalawang magkalaban tapos nawawala yung back ground at sila nalang natitira sa screen. Samahan mo pa ng kidlat sa pagitan ng dalawa. Ganun na ganun ang pakiramdam ko. Ganun ang dating ng aming pagtatagpo. Ayun, mukhang gulat itsura nung mama. Tumahimik bigla ang paligid sa pagkakataong iyon nang biglang narinig ko nalang ang boses ng aking kasama , sabi "uy uy uy..." Nagpatuloy na ako sa paglalakad at bumalik sa pagpunta sa mga wall clocks.
Maya maya napansin ko sa itsura ni avs na mukhang gulat na gulat din. "Bakit?" tanong ko.

"Tatay ko yun!" sabi nya

Nanlambot ako nung narinig ko yun. Nakaakbay pa ako nun kay avs, kaya wala talagang lusot. Pakshet.....

Dati sa paghatid pauwi, tapos sa telepono, ngayon harapan na. ano kaya susunod?

Moral of the Story: Ang taong mabilis tumakbo kapag natinik malalim, at kung meron pang tumakbo ng mas mabilis, sigurado kabayo yun!!

Ayun

Thursday, March 09, 2006

Trabaho, Eskwela at Ebak

Kwento ko lang unang araw ko sa trabaho.
Kailangan nasa opisina na ng alas 9 ng umaga. Siempre ako excited, dumating ako sa ortigas ng 720. Hindi muna ako pumasok sa building para hindi magmukhang excited. Tumambay muna ako sa Jollibee na katapat lang ng gusaling papasukan ko. Ayun dami narin tao sa Jollibee, mga nagtratrabaho siguro sa call center. Yun ay hula ko lang naman. Pormang call center kasi. Naka jeans, tshirt, jacket na tila akala mo sobrang lamig sa pilipinas, spikes na hair, ID na parang highschool student at siempre cool na nagyoyosi. Naalala ko tuloy yung good old days ko sa call center nun. Parang college din setting kasi puro ka batch ang nagtratrabaho. Masaya ang environment.

Pero balik tayo sa kwento ko. Umakyat na ako ng mga 850. siempre cool. dapat laging mukhang malalate na. COol yata mga late e. Yun natutunan ko sa college... kung gusto mo maging cool, palate ka sa class para nasa spotlight ka. O kaya pumasok ka ng lasing, tapos magpapansin ka na lasing ka. Pag tinanong ka kung lasing ka sabihin mo hindi. Hay kupal!!! Dami ko talga naalalang cool sa college. Nawawala na tuloy ako sa kwento ko. So ayun pasok na ako tapos hinanap na agad si bossing.

Medyo natetense ako nung nasa loob na ako. Kinakabahan kung ano mangyayari. Sa sobrang tense, napaaga tuloy yung plano ko. E ano pa nga ba, edi binyagan yung lugar. Matapos kong marining yung description ng trabaho ko at kung ano mga gagawin ko mula sa boss ko, nadagdagan pagkatense ko at kasabay pagalburoto ng sikmura ko. Ayun napaaga ang binyagan. Bumira agad ako sa cr, umagang umaga palang. Pero plano ko na talga yun. Naalala ko nanaman ang school.

Sa college, nabinyagan ko halos lahat ng building. Misyon ko talaga yun. makumpleto lahat ng building. Pati library hindi ko pinalusot. Kung akala nyo sa college lang yun. pati gradeschool at highschool, ganun na sistema ko. suabe. Pati yung cr nung isang heswita sa opisina nya di ko pinalampas e. Ayun suabe.

Medyo natatakot ako ngayon sa trabaho. Maraming kailangan alamin. Marami nagsasabi ngayon palang talga ako magsisimulang magtrabaho. Ano tingin nila sa una kong trabaho?! wala lang? Pakshet.

Maraming pumapasok sa isip ko at pilit na nagtatanong. "kaya ko kaya?" "maeenjoy ko kaya?" "marami ba chicks?" (joke lang avs!! hehehe love you!). Pero sinabi ko nalang sa huli, masyado na akong maraming pinalampas na oportunidad dahil sa mga tanong na yan. Kaya eto trabaho na.

Hindi gaanong malaki sweldo, marami nagsasabi bakit ko tinanggap. Napaisip tuloy ako. Malinaw nanaman sa akin kung bakit ko tinanggap e. Kasi marunong akong magpakumbaba at magtiyaga. Hindi naman ako mapride. Hindi ako yung tipong, porquet sa eskwelahang ito na ako nagaral kailangan bigtime. Naisip ko lang na kung nagaaral ka at ang tangi mo lang dahilan kaya ginawa mo yun ay para makakuha ng malaking sweldo, malamang magiging katulad ka na ng iba dyan na gusto kaagad maging bigtime. Mayabang.

Walang shortcut sa buhay, lahat pinaghihirapan.....

Hindi naman ako ganoon nagexcel sa eskwela. La ako honor.. average lang ang grado. Slacker in short pero masaya. Isa sa mga kinatutuwa ko noon sa eskwela, yung tipong kinaiinisan ako hindi dahil sa kupa o cooll ako kundi dahil sa may mga pagkakataon na natataasan ko yung ibang tao na halos lumuwa na ang mata sa kakaaral. Napapatunayan ko na di ako bobo na iniisip nyo. tamad lang. Konting improvement sa work ethics. ang kailangan ika nga.

Naalala ko lang yung nabasa kong libro ni bob ong na "abnkkbsnplk0" yung tungkol sa katalinuhan. May nasabi sya dun tungkol sa katalinuhan. Matalino ba yung taong may honor nga pero walanghiya? (hindi eksakto, binago ko na pero medyo ganun din mensahe)

Dami ko na nasabi. Sabi ko kwento ko lang unang araw ko sa trabaho pero kung saan na napunta. Pero para sa paglalagom, ito masasabi ko. Kung maeebak ka, edi umebak ka, bakit mo pipigilan, dahil sa hiya? Lahat naman ng tao umeebak ah. Sabi nga ni Jollibee kaya mo kid. LAbo noh pero Ayshlang!

Ayun.

Thursday, March 02, 2006

Phone Call

Isang gabi, tinawagan ko si avs...

ring.... ring...ring...

someone answered after 3 rings...

mystery guy: Hello? (mababang boses)

Tristan: (napatigil ang paghinga)

after 1 second..

Tristan: Ah...hello, pwede po ba kay avs. (binabaan din ang boses)

mystery guy: Sino to?! (mas mababang boses)

Tristan: Si.....Carlo po. (mababa parin ang boses)

Katahimikan ng kalahitng segundo.

Mystery guy: Ah.. sandali lang.

after a few seconds....

avs: hello?

Tristan: avs!! hahaha(mabilis ang paghinga sabay tawa)

Avs: sino sumagot?

Tristan: tatay mo!

Avs: bakit di mo nalang binaba?

Tristan: eh... nwala sa isip ko e. nung naghello na ako tsaka ko lang narealize na siya yun.

Avs: hayy...
..................................................
ayun, ibang klase. ngayon lang nangyari sa akin yun na siya ang sumagot. nalaman din sa huli na ako yung tumawag. nagtanong kasi sa mom kung sinong Carlo at ayun nasabi na si Tristan yun. Akala nagbigay ako ng ibang pangalan. hehehe pero sabi ko naman si carlo at tristan ay iisa lang naman e. Carlo din naman ako. saya talga.

ayun.