subok lang..

Thursday, April 28, 2005


eto yung original pala. la lang. kinarne ko. Posted by Hello


try nyo nga pala magpaduling habang tinitignan. nagwowork na magic eye. nagiging 3D astig. lahat ng pics Posted by Hello


wala akong magawa noon e kaya pinagtripan ko nalang picture ko. creative pose ko yan na kinarne ko. Posted by Hello

Tuesday, April 26, 2005

sukob na

naghihintay, nagaabang...
kumukulo na ang tiyan
mainit na ang ulo
isa't kalahating oras nang naghihintay
sa pagtila ng ulan
na sadyang ayaw magparaan.

sugurin ko na kaya?
mahina na naman..
takbo! takbo!
lumakas na naman muli.
sadyang pinaglalaruan ng kalikasan...

napilitan sumilong muli
ngunit huli na ang lahat..
nabasa na ako, mainit pa ulo
at di mapalamig
ng lamig ng tubig

balik muli...

naghihintay, nagaabang
pinapanuod, pagdaan ng mga tao
may dala silang payong
namamatay sa inggit...
pahiram naman kahit sandali.

tumila ka naman..
ako'y nagmamakaawa.
paraanin kahit hanggang diyan lang
ako'y gutom na at may exam pa
pwede ba....

hayy... nabalot ng pagsisi
bakit di ko ba dinala
payong kong kay haba haba
mainit kasi kanina
at di inakala...

ngunit...

sa di kalayuan,
ako'y may natanaw...
isang babae at lalaki
mabilis ang lakad
at patungo sa akin.


nang aking maaninagan
pagngiti di napigilan
dalawang kakilala
may payong tig-isa
magpapahiram kaya?

"SABAY KA NA!"
sabi ng isa...

ang sarap pakinggan..
matamis na paanyaya
mula sa isang tao
na aking di inakala
ako'y makakauwi na

Wednesday, April 20, 2005

kryptonite = amoxicilin

noong isang linggo, nabaldado ako sa kama. BAkit dahil sa tonsilitis na nagdulot ng sakit sa akin. Ang galing. Maliit na laman sa loob ng bibig ang naging dahilan ng pagsakit ng aking katawan at ulo at pinigilan akong lumabas at maghanap na ng trabaho. INaapoy daw ako sa lagnat sabi ng tatay ko at gusto na daw akong dalhin sa ospital. AKo naman ay tumutol dahil sa ayoko ng injection. MAsakit yata yun noh at matagal na akong di nakakaranas nun. Kaya nga napatawa ang tatay ko nang malaman nya na ayoko magpainjection kaya ayokong pumunta ng ospital. Hayy...bakla. Biruin nyo pinili ko pang magdusa ng dalawang araw dahil ayoko lang magpainjection. hehehe
So ayun inapoy ako ng lagnat at umasa sa biogesic at amoxicilin. BUmuti naman ang pakiramdam ko dahil dun sa dalawang gamot na iyon. Pero sa huli ko lang nalaman na allergic pala ako sa amoxicilin. hahaha bumuti nga kalagayan ko. nawala ng sakit ng ulo at katawan, pati tonsilitis pero may napansin lang akong pagbabago sa aking katawan. biglang naging supersensitive. nagtaka nga ako at ganun pala yun. allergic ako sa gamot na yun, kala ko pa naman superman ako at wala akong allergy sa kahit ano. Oh well, ganun e sa huli nalang nalaman na allergic ako dun. NAwala nga sakit ng katawan, nangati naman. Astig may mga mapa na mapula sa katawan ko lalo na kapag kinamot ko pa lalo.
Akalain nyo rin ba na pagkagaling ko sa lagnat kinabikasan e pumunta ako agad dun sa interview ko sa pasay. Hanep ang haba ng biyahe. dalawang tren sinakyan ko at parehong halos dulong station ang tinahak ko. Hay kakapagod. tapos nun kala ko makakapagpahinga na ako pero biglang kailangan na daw namin tuugtog sa gabi. tumugtog kaagad kami ng jargon nung gabi. hahaha robot. kung kaya bumalik nanaman yung lagnat. nilalagnat ako habang tumutugtog. hahaha sabi kasi nung may ari ng bar, audition lang daw. so nagexpect ako ng 2 kanta lang. biruin ninyo, pinatugtog kami ng halos 2 oras. May nagrerequest pa sa crowd. ala show band na kami. hahaha So ayun naghihina ako habang tumutugtog. Dinaya ko na nga e at hininaan ang volume ng gitara ko dahil alam kong nagkakalat na ako. Ayun, nagpakapagod at pagkauwi sa bahay, tila akong gulat na nalanta sa kama. ayshlang kung tutuusin dahil, magaling na ang pakiramdam ko kinabukasan. pagod lang pala.
Medyo nahiya ako sa tatay ko nun kasi, siya nagalaga sa akin tapos nung gumaling lang ako ng konti bininat ko naman ang sarili ko. hayy.
PEro sa oras na sinusulat ko to ngayon, medyo nawala na ang pangangati at palagay ko naman gumagaling na ako.
Hay kung kailan namomotivate na akong lumabas labas at maghanap ng ikabubuhay tsaka pa ko dinatnan ng sakit. pero ayshlang. pagaling nanaman ako e. so pwede na uli.
MOral of the story. wagpilitin....may next time naman e. hahaha

Monday, April 18, 2005


binondo trip Posted by Hello


parehong umaga. la lang ang ganda e Posted by Hello


umaga sa San Pablo Posted by Hello

Pagbisita sa BInondo

Kamakailan lang, pumunta ako sa Binondo o “China Town” kasama ang aking kaibigan na si Avs. Hindi ko nga alam kung bakit ko biglaan naisipan pumunta doon. Marahil dahil sa hindi pa ako nakakapunta doon. O kung nakapunta man ako ay hindi ko na rin matandaan na nakapunta na nga ako. Pero kahit ganun pinuntahan ko na rin para malinaw. So ayun, since hindi nga ako marunong pumunta doon, naisipan kopng maghatak ng isang may alam. At sino pa ba kung hindi si Avs na hometown ang lugar na iyon. (obvious ba.)
Naisipan naming magkita ng mga 7:30 ng umaga sa may metrobank ditto sa marikina. Gumising ako ng 530 at bumangon ng 630. Paalis na ako ng bahay ng mga 715 nang makakuha ako ng txt mula kay Avs na late na raw siya nagising at kung pwede 930 nalang raw. Eh ano pa nga ba magagawa ko. Hehehe So ayun nagkita kami at sinimulan na ang paglalakbay patungo sa China Town.
Natatandaan ko na isang beses natanong ko si mike lim nang magkausap kami sa phone kung ano nga ba ang makikita ko sa Binondo at kung marami bang instik dun? “Malamang!” sabi nya. Sabay tawa ng (yok yok yok)
Oh well, balik sa kwento. So ayun, nag MRT kami sa katipunan at bumaba sa may Recto. Astig naman, pinkamalayong sakay ko yun ng tren. Pagkababa naming dun, sumakay na kami ng jeep patungo na raw sa Binondo. Ako naman, walang kaalam alam at nagging sunud sunuran sa aking tour guide. Pagkababa naming, naglakad lakad na kami ni avs at ako naman, patuloy ang pagmamasid sa paligid. Mga 10 minuto na kami naglalakad at napatanong na ako kay Avs kung Binondo na ba to. Akalain mo sinagot nya ako na. “Di ko yata matandaan tong lugar na ito ah! Pero mukhang dapat lumikho tayo dun” Mukhang nawala kami. Sinabi ko nalang sa kanya na baka nga Binondo na ito kasi ang dami nang Chinese at mga tindahan na may mga Chinese translation. Astig noh, may mga tao siguro dun na hindi marunong ng alphabet kaya trinatranslate pa sa Chinese. Baka nga nasa Binondo na kami.
Matapos ang ilang minutong pagmumunimuni ni Avs, naalala na rin nya at sinabing, “tama! Liko na tayo dun.” Hindi ko alam kung napapansin ng mga tao na nakakasalubong namin na bago lang ako sa lugar. Marahil alam nila sabi nga ni Avs. Kasi daw, parati daw ako nakangiti habang naglalakad, naaliw na ewan. Baka nga, natutuwa kasi ako at naaliw sa mga nakikita ko. Tila nasa ibang mundo ako. Ang daming mike lim! Napansin ko rin na marami ding hardware. Puro Chinese ba ang may ari ng mga hardware dito sa bansa?
Balik tayo sa kwento, pagkadating namin dun, siempre pagkain kaagad una naming inatupag. Kain daw kami dun sa eng bi tin. Sori kung mali ishfeling. Basta yun na rin yun. Same pronunciation. Nga pala natanong ko rin kung si eng bi tin ba ang God father ng ongpin. Hahaha la lang. Dami kong tanong. Anyweyz, hindi ko talaga alam oorderin so pinaorder ko nalang tong kasama ko at kinain nalang ang mga pinili nya. Masarap naman. Medyo sticky….parang..parang… lalang. Hehehe
Matapos naming kumain, naglakad lakad pa kami para makakita pa ng mga Chinese stuffs. Mapula ang binondo, samahan mo pa ng kulay ginto. Malayo rin kung tutuusin kung saan kami nanggalling. Pero ang pinagtataka ko, sa layo na iyon…nakakita pa rin ako ng kakilala doon. Akalin nyo may nakita kami na isang malaking tao na nakadungaw ang ulo sa labas ng kanilang lite ace at nakangiti. Si JEDREK! Ang galling nga naman ng pagkakataon. Biruin mo yun ah, nagkita kami sa ganung kalayong lugar. Hahaha
Nang umuwi na kami, meron nanamang comedy na nangyari sa may MRT sa katipunan. Palabas na kami nun ng station. Diba paglabas ng station, pwede ka magescalator o umakyat nalang ng hagdanan? Kasi lahat ng tao nagsiksikan sa escalator. Tapos walang dumadaan sa hagdaan. Ang linis. May isang mama sinubukan yung daan na yun. Tapos nang nangangalahati na siya, sinabihan siya ng mga kasamahan niya na nasa baba pa na. “pare, walang dumadaan diyan” “baka may ANO sa dulo”. Napaisip yung mama at bumaba. Lahat ng tao nakatingin sa kanya. Napakamot siya sa ulo at sinabing “oo nga ano”. Bumaba siya at ginamit ang escalator. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at natawa hanggang makarating sa Markina. La lang, naaliw lang ako sa reasoning. Hahaha BTW walang “ano” dun sa hagdan. Maayos naman. Ayaw lang daanan ng mga tao. Halos nasapawan ng karanasan na iyon yung adventure naming sa Binondo. At hanggang sa ngayon napapatawa parin ako kapag naaalala. Hay taking the road less traveled.
So ayun, ang saya sa binondo, dami Chinese at parang mga magaaway na yung mga Chinese kung magkwentuha.

Friday, April 08, 2005

Wala Lang

Matapos ang matagal na pagiisip at deliberasyon, naisipan ko na rin makisali at makilahok sa kakaibang paraan ng pagbubunyag. Ako na rin ay bahagi ng tinatawag na blog phenomenon. Pilit kong tinatanong ang aking sarili noon kung bakit ko nga ba biglaang naisipang gumawa ng sarili kong blog. Kasi yun yung uso?, marami na sa kaibigan ko ang meron?, cute? hehehe...etc. Ngunit nagawi din sa madalas kong kasagutan...WALA LANG. hahaha Ngunit hindi lang yata yun ang dahilan. Makakapagsulat nga ba ako ng ganito kadalas kung meron na akong ginagawa? Tingin ko hindi. Pinakikita lang na wala pa talaga akong magawa sa ngayon. BUM ako sa ngayon at hindi ko alam kung matutuwa ako. Naalala ko tuloy ang aking mga kaibigan na madalas namumrublema kung ano na ang kanilang gagawin at saan kaya sila mamamasukan. Mga tanong tulad ng "makakuha kaya ako agad ng trabaho?", at maging masaya kaya ako?" ang bumabalot sa kanilang mga isipan. Samantalang ako eto, pagkagising sa umaga, naiipit pa rin sa katanungang..."anong oras na?", ano ulam?. hay buhay sadyang ganyan ewan ko ba kung bakit. sana sa susunod na paggising ko ay halintulad na sa mga tanong ng aking mga kaibigan ang unang pumasok sa aking isipan.