subok lang..

Friday, May 27, 2005

Paano kung...

naisip na ba ninyo...
NAis ko naman ibahagi sa inyo ang mga "paano kung" na naiisip ko...

Magpapagupit ka sa paborito mong barabero. Hindi ba't tinatanong ng barbero kung gusto mo pa bang ahitin niya ang iyong patilya? O kung gusto mo rin isama na rin niya yung bigote mo at balbas. Gagamit ngayon ang barbero ng blade, yung di tiklop na nakikita mong hinahasa pa niya sa balat. ayun ahit ahit hanggang sa mawala na lahat ng buhok sa mukha, sama pa ang patilya.
eto na...paano kung yung sinundan mong nagpagupit ay may aids, rabbies, o kaya ketong na hindi niya alam na meron siya. At malamang, nagpaahit din siya tulad ng ginawa sayo? nakita mo bang pinapalitan nung barbero yung ginagamit niyang blade?

May GF ka. sabihin na nating 7 taon na kayong nagsasama. maganda siya, okey ang hugis ng katawan at ang pinakaimportante maganda ang ugali. Kasundong kasundo mo. MAria Clara pa ang dating. Naniniwala sa kasal muna bago magpulotgata. astig noh. pwede na
eto na....paano kung sa mismong gabi ng kasal kung saan siempre "honeymoon" na natuklasan mo ang sikreto niya.......na lalaki pala siya dati. kaya pala gusto niya kasal muna bago... ayun! (masimportante naman yung nasa loob diba hindi yung pisikal. hahaha)

itutuloy.... marami pa yan nakalimutan ko lang. aalalahanin ko pa.

Saturday, May 21, 2005

Anong pumapasok sa isip?

nais ko lang ibahagi ang isang tula na aking nabasa nung ako'y nasa unang taon pa lang sa kolehiyo. basahin dahan dahan at hayaang maglaro ang isip hanggang sa makabuo ng malinaw na larawan. ayun...astig

PULOTGATA
Danton Remoto

Sa labas, dinidilaan
ng ulan ang mga puno.
Ang hangin ay bumubulong
Sa tainga ng mga dahon

Habang
nakaupo ka sa akin.
Ang pilik ng iyong mata'y
pumipikit, bumubukas.

Makintab ang pawis
sa paligid ng iyong labi.
Lampara
ang iyong mukha.

At ang iyong mga daliri'y
naglalakbay, pumapasok,
nawawala
sa mga ulan ng aking buhok.

Saturday, May 14, 2005

inside out

due to public demands..(naks english simula) eto magkwento nanaman ako tungkol sa aking misadventures.

Pasakalye
kadalasan akong nasasabihan na suplado. (hanep, feeling gwapo noh, hindi namamansin.) Siguro nga, kasi hindi daw ako namamansin kapag nakakasalubong ako ng kakilala o lalo na ng bagong kakilala. Bakit nga ba? naalala ko may nakapagsabi sa akin na harapan na daw akong binabati niya e hindi ko parin daw siya nakikita. malayo ba daw ang tingin. so ayun marahil dahil madalas akong nahuhulog sa pagkatulala. blanko ang aking isipan. napupunta ba ako sa mundo na tahimik at ang tanging nakikita ko lang ay ang aking daraanan. sa madaling salita, hindi naman sa suplado ako o ayaw mamansin, madalas lang po matulala at blanko ang isip.
...............................
isa sa mga hindi ko malilimutan na karanasan sa 4 na taon na pananatili sa kolehiyo ay nuong nagfashion show ako sa loob ng jeep. kumbaga nagpapauso ng bagong style ng pananamit.
noong araw kasi, kapag mayroon akong break na lagpas 2 oras, naiisipan ko munang pumunta sa bahay ng lola ko na malapit lang naman sa ateneo. lalo na kapag nagagawi sa tanghalian yung break. In short nakikikain ako palagi. matapos kumain, siesta. naging routine ko na yun. dadating ako sa bahay ni lola, tanong ulam, kain tapos siempre siesta. sa haba ng break ko nun nagagawa ko lahat ang mga yan.
may isa rin akong nakagawian, at iyon ay tanggalin ang aking t-shirt kapag humihiga. para daw hindi malukot. so ayun tanggal, presko. pagtunpatak ng ala una, ayun bangon na ako. bangag kasi bagong gising. hilamos para magising lalo. pero kadalasan, sa huli bangag pa rin. kunin na yung t shirt, suot tapos paalam na aalis na.

1st time
sasakay na ako ng jeep papunta katipunan. mainit, at medyo tulala dahil bagong gising nga e. pero may isang nakapagpagising sa akin noon. malamang chicks. hehehe So ayun, madalas ko nahuhuli na panay ang tingin sa akin. nakursunadahan yata ako. (malamang la pa ko GF non noh) astig, lakas ng dating ko sa kanya. sulyapan ko rin sabi ko. haay, dahil sa bakla ako, dumating na yung jeep sa katipunan at wala man lang ako nagawa. sayang...sabi ko.
naglakad na ako patungo sa sakayan ng tricycle. habang yumuyug na ang sinasakyan ko dahil sa bilis ng pagpapaandar, may nakapa ako sa damit ko na tila hindi nararapat. bakit yung tag nasa harap at nakalabas. pati yung tahi. hanep baligtad pala.

2nd time around
magaling ako na estudyante at tao. kaya nga naulit nanaman yung pangyayari na iyon. pero buti nalang habang nasa jeep palang ako nalaman ko na. paano? may mama naman na panay ang tingin sa akin. hindi ko napapansin, siempre suplado nga e. pero ayun di na napigilan nung mama yung sarili. Nang malapit na kami sa katipunan at akoy pababa na, sinenyasan ako nung mama. humahawak siya sa tshirt niya at tinuturo ako gamit nguso niya. (napaka Pilipino) napatingin ako agad sa suot ko. ayan ayun hola! baligtad na naman. inside out na nga, tapos yung tag nasa harap p"a. alam ninyo ano ginawa ko at sinagot ko sa mama. tumanghod ako at nagsasabing "oo alam ko. sinadya ko yan"sumakay naman yung loko at naniwala nga. pagkababa ko ng jeep sa aurora, takbo agad ako sa jollibee para itama yung suot ko.
................................
hay, sabi ko sa sarili paki ko sa mga nakakita, ganun e. iba ang maiba. hehehe


pili lang kayo suki. anong mas okey. Posted by Hello

Sunday, May 08, 2005

Tado's Vocabulary

la lang fan ako ng strangbrew e, share ko lang.

*Ang swimming ay magandang ehersisyo, pero alamin niyo ang inyong limitasyon dahil hindi ito parang kanin na iluluwa kapag napaso ay iluluwa*let's stay high in sports and not in drugs! ^^ from Aqua Bells/Boxing Episode

*Huwag mong isomolin ang aking Itlog! Dahil masustansya itong balut!. Kaya ugaliing kumain ng balot! upang di awayin ng Kulot! ^^ from Taho & Balot Episode

*Sa panahon ng pakikidalamhati ehersisyo ang mainam tungo sa ganap na kalayaan. Time is the element of love and the love set my bird free.*Kung napakain ko lang sana ang mga tandang at mga pulang aso ng kapitbahay natin Sumususo sila ngayon sumususo!. ehhhuu. Erning nasan ang auto? ehuhuuhuhuhu ehuuuu ehuuuhuhuhuu. ^^ from Kidnapped By Aliens Episode

*Good day! This is the historic Mud spring only in los baƱos! Well as you see that thing zooming thru the air is called the forbidden smoke.. The sky is blue,. The water's brown.. Mud spring.. * You know erning this magnetic hill is not the issue of optical illusion I'ts Puberty. You see the key doesn't move because it's a steel so the magnet suck it up and this is lanka! Erning it's Perseverance.., Study well and Good sleeping habit.. Nothing more nothing less. ^^ from Buko Pie Episode

*Panahon nanaman ng tag-ulan at maraming pinagkakaabalahan ang ating pamahalaan.Sinuwerte kami dahil kami'y nakakain, ngunit hindi ito sapat, ano ang dapat?.Igan! Samahan niyo kaming abutin ang sukdulang kaligayahan!.Kaya sa panahon ng tag ulan Let's Go to the Beach! ^^ from Belinnis/Cabiao resort Episode

*Malaki ang implwensya ng mga tsino sa ating pilipino. Tulad nalang nitong yakisoba galing pa ito sa shinchi dynasti. *Tulad ng apoy ang pag ibig natin tulad din ng ulan. Kaya mag ingat sa pagsindi ng katol!. Shin chi tulog. ^^ from Bumbero Episode

*You know erning this is the MRT this two rail transport connects people closer to ehehehehehe...*Wow this trains is the future we have the privilege to see the wonder of train..*We cannot understand very well this is the train of life put together one by one for all of the filipino.. You know erning this train doesnt work.. ^^ from Electromax Episode

*Aah! Welcome to Baguio City, where the booming city of the Baguio City! Asteg! ^^ from Kelly comes home Episode

*Ang naglalakad ng matulin pag nadapa ay masakit. Ang naglalakad ng mas matulin tiyak kabayo yun. Kaya simulan nanatin ang karera ni totoy mola!.*Hindi na mahalaga kung nakakain na kami ng tapa!. Bastat may maihahapag sa lamesa!.Kaya iwasan ang tulo ugaliing tawagan ang inyong tubero!.. ^^ from Tubero Episode

*You know erning this is the best resting place for Joan the cool breeze.*He will not just be happy in here he will be the happiest because the serendipity and coolness.*You know erning i think this is the best resting place for Joan(sabay lagay sa loob ng ref) He will stay with us forever. ^^ from Episode 1 of new season

*You know erning we must keep our body clean. We must wash our hand before and after eating because it's hygeine. Let's go.^^ from Episode2 of new season

*You know erning this is the most painfull experience it's like my first time you know and it hurts..*You know erning i feel relax today i think this hospital idea is good i think we will do this again. ^^ from Episode 3 of new season

*Erning nananaginip ako. Hinahabol daw ako ng mga robot erning ayaw kong maging robot ayaw ko.*Erning punta tayo batanggas. Erning handa mo auto?.. ^^ from Episode 4 of new season

interbaranggay

dati pa ako nanonood ng interbarrangay. bata pa ako, nung di pa ako marunong magsuot ng brief. nung pormang bunot ang buhok ko. nung si ramos pa yata ang presidente, nung holen at bike pa ang buhay ko, nung....nung basta nung mga panahon na yun.
isang buwan na ang nakalilipas nang napadaan ako sa "tambay kay lim" isang basketball court sa tabi ng munisipyo ng marikina. mini-madison square garden kung tutuusin sa marikina. as in "mini" talaga ha. huwag masyado itulad. "parang" lang. so ayun, matapos mapadaan, naisipan ko manuod. niyaya ko yung pinsan ko na nakatira lang malapit doon at nagpaalam na rin sa tita. bago pa kami lumabas ng pinto sinabihan kami na "o may dala ba kayo kutsilyo dyan?" mahirap na daw. mabuti nang sigurado. malamang nagpapatawa lang yung tita ko noh. pero nang sabihin niya iyon, muli ko naalala yung panonood ko dati ng interbaranggay. hay grabe, kung akala ninyo maingay ang cheering, trash talk, suntukan at murahan sa UAAP, kumpara sa interbaranggay na napapanuod ko, pang GP lang yun. kung ipapalabas sa sinehan. dito hanep. masisilaw kayo sa ibat ibang palamuti sa katawan ng mga manlalaro. may mga tatoo ng dragon, bungo, guns and roses. at mawawala ba ang mga mala-alupihan na tahi. malamang nakuha sa saksak, taga o rambol. wala lang, mas mukhang tigasin ka kapag meron ka nun. hindi ka basta basta mababalya. siempre ba naman, lalo na kung alam mo na magkikita pa kayo sa labas ng court. di na uy. Pero sa laro na ito marami ang matatapang. walang atrasan.. sayang naman yung tatoo ng bungo at guns and roses sa katawan kung tatakbo lang o tatlikod. kaya ayun madalas ang rambol. at malamang kasama na dun ang mga manonood na sinusuportahan ang kanya kanyang baranggay. Naisip ko rin an napakastrategic nung postition ng court. malapit sa munisipyo. malapit sa kulungan. kaya nga kadalasan mga pulis at baranggay tanod napapanuod na rin. hindi makasyut o makapuntos ang inaabangan nila dun, kundi royal rumble, pinoy style.
hindi lang mga players o mga best plays ang magandang panoorin. maaliw din kayo sa crowd. yun ang mas inoobserbahan ko kung minsan. astig!!! ang dami nilang baong hirit sa mga players at sa kalaban na crowd. napakacreative at talagang makabagbagdamdamin. pwedeng mga advertisers galing umisip ng tagline. at magaling humanap ng solusyon sa mga kakulangan. tulad nalang ng isang player na napanuod ko. magaling siya. kinakain ang kalabang team. pero ayun, buhos naman ang pangaasar sa kanya ng kalabang baranggay.iba't ibang insulto, sagad sa buto. tulad ng maliit ulo, tinatawag na tumana pimple.(tumana, lugar yun kung saan siya ata galing) ayun at sari sari pa. napansin ko rin na medyo may kaliitan ang kanyang ulo at di proportional sa laki ng kanyang katawan. kapansin pansin nga. akalain ninyo, may isang genius sa kalabang baranggay na nakaisip ng solusyon sa problema niya. ano yun? e di magyabang daw siya para lumaki ang ulo. "hanep!" sabi ko. biruin ninyo instant solution sa problema. napakamot nalang sa ulo yung player at pinaupo na sa bangko.
ibang klase, double entertainment yun. maaliw ka sa basketball pati narin sa mga nanonood.
nga pala kung tanungin ninyo ako kung sino knampihan ko nung nanood ako...ah wala, masyado ako naaliw sa mga maiingay na tao na nakaupo sa kabilang dulo ng court. at nawalan na ako ng panahon na pumili. siguro masyado na akong nasasabik sa mangyayari. hindi sa bestplays ah kundi sa maaring rambol. hahaha tagal ko na di nakakita nun e. ang sama kung tutuusin pero pero.. ewan. basta ayun. natapos ang laro, umuwing sawi. puro muntik lang... saya saya

Thursday, May 05, 2005

Chinese for a Day

hindi ko akalain na magiging chinese ako. lakas ko pa naman asarin si Mike Lim nung nasa highscool kami tungkol sa pagiging chinese nya. ayun, nakarama yata ako. hehe at naging hilig ko na rin ang chinese. la lang kasi kamakailan lang, pinapunta ako ng auntie ni avs sa kanila. para saan? la lang, curious daw kung sino ako. so ayun, akala ko simpleng dalaw lang, hi hellow, ako po si tristan carlos.....pogi. (joke) nagawa ko na to dati, madali lang to, naisip ko.
papunta palang kami ni avs sa kanila, may natanggap na siyang text na magpanggap daw muna akong chinese.hay, ang inaakala kong simpleng hi at hello biglang napalitan ng nerbios at pagaalinglangan. Ayun, tinext muna ni avs yung kapatid niya na salubunin muna kami para mapaipaliwanag niya ang sitwasyon.
Sinalubong niya kami sa pinto at ayun sinabi ang dapat gawin. ako naman ayun kinakabahan. ewan ko ba kung bakit. La lo akong kinabahan nang lumabas na ang auntie nya at sinabing kailangan nga muna akong magpanggap na chinese. mukha naman daw e. Teka bakit nga pala ako dapat magpanggap? kasi nandun yung isang lola na traditional. pero natanong ko agad na pano ko maging chinese, hindi naman ako marunong magsalita ng lengwhahe nila. meron pero kaunti lang. puro bastos at mura pa. malamang di ko pwedeng gamitin yun.
naisip ko lang.hindi nyo ba pansin na kapag may bisita na foreigner na nais matuto ng filipino, una niya agad natututunan yung mga bastos at mura na salita. la lang
Matapos ang mahabang balitaktakan at pagtatalo kung ano ang gagamitin kong apelyido nauwi din sa bahala na. akalain mo yun biglang iba na ang apelyido ko. hahaha papatayin ako ng mga ninuno ko kapag nalaman nila yun.
sa aking pagpasok, inisip ko agad ang mga sasabihin kung sakaling matanong ako. pero wala talaga ako maisip. basta sagot nalang ng sagot. magiimbento ng kwento kung saan ako galing. sabi ko, kung malusutan ko to, pwede na akong maging writer ng mga fictional stories.
matapos ang ilang minutong pagiisip, nakaharap ko din yung lola. magkaharap kami sa mahjong table. nagmahjong kami buong gabi kasama ang mga uncles ni avs. hay kakatakot, baka biglang magtanong. Sino ka? Ano apelyido mo? Ni haw ma? etc.. hay may thrill.
NAgtapos ang gabi ng hindi man lang ako nakausap nung tao. pinakilala lang ako. malamang binigay ko lang ang first binigay ko. hehehe hindi nanaman tinanong apelyido ko e. tinanong din ang kurso ko. tapos ayun suabe! focus na uli sa pagmamahjong ang lahat.
kakaibang karanasan. akalain ninyo yun. ano ba itong pinasok ko kong gulo. pero....... masasabi ko parin sa huli....ayshlang

Sunday, May 01, 2005

Emperador

kamakailan lang, naisipan kong linisin ang aparador ko kung saan nakataggo ang mga lumang gamit ko. Habang naglilinis at i-angat ang isang bungkos ng papel, nahulog sa harapan ko ang isang litrato. Tinignan ko ng mabuti ang litrato unti unti nitong pinaalala sa akin ang naganap nuong christmas party noon sa condo ni nico sa makati. 2nd year college na yata kami noon. Sa larawan makikita ang isang lalaki na nakahiga at binibigyan ng bad sign ang may hawak ng camera. Kasabay nito, pinalilibutan siya ng mga tao. Kitang kita naman sa litrato na pinalilibutan siya ng maraming paa.
Hindi ko napigilan tumawa nang makita ko ang larawang ito. Kasi naman, sadyang nakakatawa talaga ang nangyari nuon. sa mga taong nanduon sa party malamang kilala na ninyo itong exhibitionist na to. hahaha Kwento ko ang nangyari. masaya ang party, dami pagkain, maganda ang lugar at marami sa barkada ang pumunta. Malamang, sa ganitong klase ng celebration, hindi mawawala ang toma. So ayun, maraming nagdala ng sari saring alak. may gin, beer, lambanog at siempre ang EMPERADOR na naging bagong matalik na kaibigan ng isang Gboy. hahaha
Sa kalagitnaan ng party nagkaroon ng maliit na pagpupulong ang ilan sa mga Gboys. Nang aking lapitan, nakita ko si toy na pinagsisigawan na kaya niya ang iniinom niya. Matino pa siya nung mga oras na iyon. Ang mga tao naman sa paligid niya, pilit na hinihimok siyang patunayan. so ayun makalipas ang ilang minuto nang aking balikan sila, nakita ko na itong si toy na yakap yakap ang halos ubos na na bote ng emperador. Yung mahaba yun ah, hindi yung lapad! akalain ninyo tinungga niya iyon. nagsolo flight. hahaha so ayun, lasing yung gago at tinuring na asawa ang bote na ayaw itigil ang pagyakap. Pilit man kunin ng mga tao ang bote sa kanya, patuloy naman ang pagmumura niya sa mga sumusubok kumuha. Haay tawanan, sigawan. kakaiba.
Ibang klaseng entertainment ang nangyari.
so ayun, niyakap niya iyon hanggang sa maubos. Haay baldado si gago at naggugulong sa sahig hanggang sa maging gulay nalang. LA kaming nagawa kundi buhatin at dalhin sa kuarto.
SO ayun, natulog siya at nagsuka. Kami pa ang naglinis sa huli ng kalat. Pero ayshlang, nagbigay naman siya ng magandang palabas sa amin e. hahaha la lang joke
Pansamantalang nakarating sa alapaap.
Pero ayun, marami akong natutunan sa pangyayaring yun. Ano yun? e di "dont underestimate the power of emperador." isa pa "drink wisely" hahaha


babala: kung ayaw ninyong matulad sa taong ito. huwag tunggain ang emperador ng mabilisan. Posted by Hello